^

PSN Showbiz

Ivana, ‘di nakakalimutan ang kabaitan ni Barbie

Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
Ivana, �di nakakalimutan ang kabaitan ni Barbie
Barbie Forteza

“Grabe naman to. Maraming salamat, @ivanaAlawi so happy for all your success. Ingat kayo ni Mona. Hi po tita!” ang sagot ni Barbie Forteza sa sagot ni Ivana Alawi na siya ang nicest GMA artist na nakatrabaho ni Ivana noong nasa GMA pa siya.

Sa video ni Ivana, hindi raw niya makakalimutan si Barbie dahil mabait nga. “Sobrang bait hindi ko siya makakalimutan. Kasi ang ma­daming maldita sa akin, noong nasa-sign kami sa GMA. sinusungitan kami, ayaw kaming bigyan ng puwesto, ayaw kaming bigyan ng pagkaing mag-ina. Mabait talaga siya, kaya sobrang blessed siya,” sabi ni Ivana.

Hindi na binanggit ni Ivana kung sino ang Kapuso stars na sinungitan silang mag-ina at ayaw silang bigyan ng pagkain.

Sa puntong ayaw silang bigyan ng pagkain, hindi naman siguro Kapuso star ang tinukoy ni Ivana dahil hindi artista ang nagbibigay ng food, kundi ang catering.

Anyway, sa sinabi niyang ito, natuwa ang fans ni Barbie dahil hindi sila nagkamali nang iidolohin at susuportahan. Proud fan daw sila ni Barbie at aliw ang comment na mabait talaga si Barbie, krung-krung lang kung minsan.

May bagong fans din si Barbie, mga Kapamil­ya fans na nagustuhan siya nang mag-guest sa It’s Showtime at ang wish nilang bumalik ito sa noontime show ng ABS-CBN at maging co-host kahit hindi araw-araw.

Buboy, payag na sa US Citizenship ng mga anak

Kaya workaholic si Buboy Villar para sa kinabukasan ng dalawang anak. Na-share ni Buboy ang pagsisikap niya nang maging mabuting ama sa mga anak na sina Vlanz Karollyn at George Michael nang mag-guest sa YouTube channel ni Camille Prats.

Kaya parang walang kapa­guran si Buboy na napapanood sa Eat Bulaga, Bubble Gang, nasa The Boobay ang Tekla Show pa yata siya at magiging parte pa ng cast ng Against All Odds, ang series nina Gabby Concepcion at Marian Rivera.

Hiwalay na siya sa ina ng kanyang mga anak na si Angillyn, pero kahit hiwalay na, tinutulungan pa rin siya ng parents nito na alagaan ang mga anak nila.

“Mala­king tulong sa akin ‘yun parents ni Angillyn, ‘yung lolo’t lola kasi talagang sila ‘yung nagsu-support sa amin, I mean, nagsu-support sa mga bata. ‘Yun talaga ‘yung nilu-look forward nila na ayaw nila masira ang future which is kami rin,” ani Buboy.

Inamin din niya na noong una, hindi siya pabor sa pag-aasikaso ng US citizenship ng mga bata. Ngayon, payag na siya dahil alam na para rin ito sa future ng mga ito.

Nabanggit din ni Buboy ang hirap na mamuhay mag-isa dahil nga hiwalay na sila ng ina ng kanyang dalawang mga anak.

“Struggle rin dahil siyempre mag-isa ka lang. Wala kang parang uuwian na misis, pero dahil ako ay workaholic hindi ko na iniisip ‘yun. Pag-uwi ko sa bahay, thank you Lord nakauwi ako, mayroon akong kinita ngayon para sa anak ko, bukas na lang po ulit.”

vuukle comment

BARBIE FORTEZA

IVANA ALAWI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with