^

PSN Showbiz

Taga-teleprompter na, taga-tattoo pa

NakNgFU - Mr. FU - Pilipino Star Ngayon

Totoo pala sabi ng mga nagpapa-tattoo, kapag naumpisahan mo na sa isa, gusto mo na magpadagdag hanggang sa dumami. Ganyan ‘yung feeling ko nung nagpa-tattoo ako sa Tokyo Japan last month. First time kong magpa-tattoo at sabi ko, malamang ‘yun lang ipapagawa ko. Pero makalipas ang ilang araw, parang nag-iisip na ulit ako ng bagong design at kung saan ko ipapalagay. (pero sa Japan ulit ha!)

‘Yung aking Teleprompter Operator sa daily Online News Program namin na si Renz Edrizon Mago ay isang Tattoo Artist. 11 years na siyang nagta-tattoo. (raketero si kuya mo!)

“Nagsimula ako mag-aral ng tattoo noong 2012. Noong mga panahon na iyon scratcher ang tawag sa mga newbie tattoo artist especially sa pinakaunang tattoo client namin. Simula noon naging masaya naman ako sa outcome kaya roon na rin ang starting point ng aking career para mag-practice nang mag practice.” Paglalahad ni Renz (hindi raw kasali ang tattoo sa kilay ha!)

Isa sa mga kinarir niya ay ang dalhin sa ibang bansa ang kanyang talent. “ I was tattooing in Dubai, & Abu Dhabi UAE. Almost 2 years din ako tattoo artist doon. Naisip ko mag-tattoo sa ibang bansa dahil that year 2016 dumadami na ang circle of friends ko na tattoo artist and dahil din sa pera, sabi nila malaki ang kitaan sa abroad as tattoo artist and may mga tropa rin ako na roon na nagta-tattoo kaya sinubukan ko.” (may mga boylet kaya sa tropa niya?!)

Nung bumalik na siya ng Pinas, nagtayo na siya ng sarili niyang shop sa Valenzuela.  “Nung wala akong shop sa terrace lang ako ng bahay namin nagta-tattoo. Napakahirap especially sa mga kliyente…naiinitan sila. Electric fan lang tapos minsan tirik pa ang araw at maingay. Iba ‘pag may shop. Tahimik. Comportable. Makakapag-focus ka ng maayos and syempre ‘pag pasok ng clients ‘yung presence ng tattoo studio gusto kong maramdaman nila at isipin nilang nasa tamang lugar at artist sila. This is also to show my professio-nalism. “ (pwede raw mag-overnight sa shop niya. O kahit short time lang! Chos!)

Lahat naman ng design kaya ni Renz pero may mga paborito siyang gawin. (‘yung mga tattoo na nabubuhay raw sa gabi!)

“My favorite category is Realism.  I always feel the challenge kapag ginagawa ko ito at masaya ako ‘pag nakikita ko ‘yung outcome ng ginawa ko. Sa design naman paborito ko is ‘yung mga galaxy style. Masaya ako kapag nakikita ko ang mga stars at space. Mahilig din ako sa mga sci-fi design.” Pagpapaliwanag ni Renz (makapagpa-tattoo nga ng buong universe!)

Wala rin siyang inaatrasang bahagi ng katawan na pwedeng lagyan ng tattoo.

“ Unusual design, for me is ‘yung mga neotraditional design. Since I’m a realistic tattoo artist I don’t feel challenged on neo traditional because it’s simple for me. But eto ‘yung mga design na pinraktis ko nung nagsisimula palang ako. Unusual body part naman is ‘yung sa tiyan, bandang pusod. Hahaha! ‘Pag andyan na ‘yan bahala na basta gawin mo lang.” (baka may lumabas na alien!)

May payo ang 30 anyos na Fine Arts Graduate ng University of the East sa mga nagbabalak na gawing career ang pagiging Tattoo Artist: “Always be friendly syempre. Respect your client and co-tattoo artist, without them we are nothing. Makinig lang kayo sa mga payo nila and ipakita mo lagi ang best mo. La-ging tatandaan sa pagiging tattoo artist, tao ang canvas n’yo, hindi papel. Sa kanila dumidepende ang career mo. Kung gusto mong mapabilis ang pag-abot sa pangarap mo, lagi mong gagalingan. But don’t ever ever let them na sila ang masunod sa presyo ng tattoo na gagawin mo.” (baka may pa-ex deal!)

May bilin din siya sa mga nagpapa-tattoo lalo na sa mga first timers, “pag may napili na kayong design, congrats! Ipa-tattoo mo na ‘yan! Pero ang pinaka-importante ay ang aftercare tattoo. Marami na ‘ko nasaksihang mamahalin at magagandang tattoo na nasayang dahil hindi marunong ang client sa aftercare. For sure may mga guide naman ang mga tattoo artist kung paano alagaan ang tattoo. Makinig lang sila, huwag sa mga kaibigan at kakilala, kundi sa tattoo artist lang sila makinig.”(huwag daw matigas ulo, kaya i-follow n’yo na siya sa facebook at ig!)

Kung mabibigyan siya ng pagkakataon, may mga celebrities siyang gustong ma-tattoo-an. “Ann Curtis, Arci Muñoz, Cristine Reyes at Bella Padilla. I am always amazed with hot body at sa dating ng mukha nila sa camera tapos ang puti pa. ‘Pag may tattoo ang mga ‘yan labas na labas ang canvas mo d’yan. Super hot ang dating sa’kin,  number 1- kapag sleeve tattoo, number 2- leg sleeve and whole neck to chest to shoulder at number 3- Ribcage.”  (bakit wala sa listahan mo si Awra?!)

(Youtube/FB: WTFu. Twitter/IG/Tiktok: @mrfu_mayganon.

FB: mr.fu tagabulabog ng buong universe. Patreon: www.patreon.com/wtfu website: www.channelfu.com )

vuukle comment

TELEPROMPTER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with