^

PSN Showbiz

BINI magbabahagi ng kuwento ng TOTGA, Gen Z love, gaslighting, at iba pa

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
BINI magbabahagi ng kuwento ng TOTGA, Gen Z love, gaslighting, at iba pa
BINI
STAR/ File

Kwentong pag-ibig at pananaw sa pakikipagrelasyon ang bubungad sa mga makikinig ng Podcast Ng Mga Walang Jowa, ang bagong online show ng P-pop group na BINI na napapakinggan na ngayon sa Spotify.

Sa unang pagkakataon, pahinga saglit ang BINI members na sina Aiah, Colet, Maloi, Gwen, Stacey, Mikha, Jhoanna, at Sheena sa paghahatid ng musika at biga­ting performances sa kanilang podcast na tungkol sa buhay pag-ibig na para kay Aiah ay “parang very taboo siya ‘di ba to talk about for our ‘idol life.’”

Samantala masaya naman si Jhoanna sa pagkakataon na ma-normalize ang usapin tungkol dito.

Aniya, “Masaya kasi nabigyan tayo ng chance. Let’s normalize this topic. Yes idol tayo pero tao rin tayo, nai-inlove rin tayo.”

Kaya inaanyayahan nila ang lahat na makinig sa kanilang kwentuhan na para sa kanila ay maitutu­ring na break mula sa kanilang busy schedule.

“We’re used to singing and dancing and moving around, [but] this time it’s more laidback,” ani Aiah.

“Usap lang talaga. Parang wala tayong audience. It’s just you and me,” diin naman ni Jhoanna.

Sa unang episode nito na pinamagatang “Sino ang TOTGA mo?,” nagbigay ng kani-kanilang kahulugan sa pag-ibig sina Jhoanna at Aiah at nagbahagi rin si Aiah tungkol sa kanyang TOTGA experience.

vuukle comment

PODCAST

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with