^

PSN Showbiz

Mga nanay, bida sa iWant...

Pilipino Star Ngayon
Mga nanay, bida sa iWant...
Misis Piggy

Iba’t ibang kwentong tampok ang pagmamahal ng isang ina para sa special selections nila ng mga movie at series ngayong Mayo ang mapapanood sa iWantTFC.

Ipagdiwang ang Mother’s Day sa Mayo 14 sa pamamagitan ng panonood ng mga palabas sa Tribute to Mothers selection na siguradong pupukaw ng damdamin. Nariyan ang Misis Piggy ni Sylvia Sanchez, My Single Lady ni Jodi Sta. Maria, Ekstra ni Vilma Santos, Ang Tanging Ina at iba pa.

Mga nakakaantig din na kwento ng kababaihan at pagmamahal para sa pamilya ang matutunghayan sa Buhay OFW selection. Mapagpipilian ang mga pelikulang Caregiver ni Sharon Cuneta, Hello, Love, Goodbye ni Kathryn Bernardo, Anak ni Vilma Santos, Malaya ni Lovi Poe, at marami pang iba.

Masusuportahan din ng mga Pinoy ang kani-kanilang mga pambato sa Miss U dahil mapapanood sa iWantTFC ang Miss Universe Philippines 2023 sa Mayo 13.

Tuluy-tuloy rin ang pa­geant fever sa iWantTFC dahil ‘beauty and brains’ naman bilang mga aktres ang ipapamalas ng mga dating beauty queen sa special selection na Beauty Queens Turned Actresses. Mapapanood sina Gloria Diaz, Maxine Medina, at Winwyn Marquez sa iWantTFC original series na Beauty Queens, habang tampok si Pia Wurtzbach sa mga palabas na My Perfect You, Gandarrapiddo: The Revenger Squad, at My Papa P.

vuukle comment

IWANTTFC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with