^

PSN Showbiz

Miyembro ng BTS na si Jungkook, ayaw nang tumanggap ng regalong pagkain

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pilipino Star Ngayon
Miyembro ng BTS na si Jungkook, ayaw nang tumanggap ng regalong pagkain
Jungkook

Napuna ba ninyo ang panawagan ng Korean singer na miyembro ng BTS na si Jungkook.

Nanawagan siya sa fans na tigilan na ang pagpapadala ng pagkain sa kanya. Kung hindi raw titigil ang mga iyon baka gumawa siya ng aksyong legal laban sa mga nagpapadala ng pagkain.

Natural sasabihin ninyo, ano ba naman iyan, pinadadalhan na nga siya ng pagkain, siya pa ang galit.

Hindi rin naman masisisi ang tao. Siguro dahil sa rami, hindi naman niya makakain lahat, at problema pa kung papaano niya disispatsahin iyon.

May mga pagkain na masarap man at mamahalin pero hindi puwedeng kainin ng isang tao dahil sa iba’t ibang dahilan.

Halimbawa sa panahong ito, kung may magpapadala sa amin ng cochinillo maiinis pa kami, kasi hindi namin puwedeng kainin iyon.

Bahagi rin iyan ng pag-iingat ng isang tao. Maski nga noong pandemic, ayaw namin niyang food delivery, sabihin mo mang maingat ang naghanda ng pagkain, eh iyong nag-deliver sigurado ka ba?

Kaya maliban na lang kung kilala mo talaga, mahirap ding tumanggap ng mga regalong pagkain.

‘Hawi boys,’ uso na ulit!?

Muling naging isyu ang “hawi boys.” Nangyari diumano ‘yan sa isang press conference ni Alden Richards nang nilapitan siya ng press upang ma-interview siya. Pero bigla raw nagdatingan ang hawi boys, parang tinulak daw ang mga press people at hinila ang aktor palabas ng venue. Siyempre nagalit ang mga nahawi, lalo na’t hindi naman sila sanay na may hawi boys si Alden.

Hindi na bago ang hawi boys, matagal na  iyan, kasi minsan naman nasasaktan na ang mga artista sa pagkakagulo ng fans, kaya ang mga organizer mismo ang naglalagay ng hawi boys. Ang isa sa nausuhan ng hawi boys ay si Randy Santiago. Talagang may grupo siya kahit na saan siya magpunta dahil noong panahong iyon talaga namang nasasaktan na siya, at marami noon ang nagtatangkang hatakin ang kanyang shades. Pero hindi nagkaroon ng controversy, dahil maliwanag na binibigyan lamang nila ng proteksiyon si Randy at walang nasasaktan.

May punto kami diyan. Una, ang hawi boys  ay hindi siguro nabigyan ng sapat na instruction kaya pati iyong hindi naman dapat hawiin, eh hinawi nila.

O baka rin hindi na naawat ni Alden dahil meron din sa kanyang instruction na wala nang interview pagkatapos ng presscon.

Wala raw hawiang naganap sa presscon ni Coco Martin sabi ng isang nagkuwento.

Sabi nga namin, nakalimutan na ba nila na noong araw ay ganoon din naman sa ABS-CBN,  na pagkatapos ng kanilang question and answer sa presscon ay gusto nila limitado lang ang tanong sa kanilang palabas kaya’t magdadatingan na ang mga road manager ng kanilang mga artista para hilahin na ang mga iyon palabas at huwag nang makausap ng press?

Pero ‘di ba dapat ‘pag ayaw magpa-interview ng isang artista, ‘wag nang gawan ng intriga.

Hayaan na lang sila.

Kumbaga sila naman ang nawalan ng publicity.

Bawi na lang sila sa mga artistang game sa chikahan at may oras sa press.

vuukle comment

BTS

KOREAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with