^

PSN Showbiz

Let’s Zamba!

NakNgFU - Mr. FU - Pilipino Star Ngayon

Kadalasan hindi ko bet yung mga biglaang lakad, yung walang plano, lalo na kong malayo ang pupuntahan. (arte-arte?!) Pero may ilang beses ko namang nasubukan yan, wala namang malalang aberya. (o baka kinalimutan ko nalang!) Nito lang nagdaang Semana Santa, wala kaming naplanong lakad. (kadalasan aligaga kami sa paghahanda ha!) Maundy Thursday na naming narealize na gusto naming lumabas ng Maynila. Good Friday, naisipan naming mag-fly sa Zambales kahit pa wala na kaming mabook na accommodation dahil punuan na. (Bahala na si Batman mode on!)

Sa Sitio Liwliwa sa San Felipe kami napadpad. Nakailang ikot kami sa mga resort, pero walang pwesto. Buti nalang nakita ko ang isang ginagawang beach front resort ng Zamba Villas. (marami silang resort sa Zamba in fairness!) Hindi pa sya open sa public, pero dinaan ko sa ganda kaya pumayag ang mga may ari na sina Sir Mar and Madame Rein na dun kami magstay. (ganda lang talaga ang puhunan!) Pinagbilin pa kami sa staff nilang sina Efren at Ryan na nagsilbi naming P.A. sa buong stay namin Zambales. (lakas na maka-artista, may assistant pa kami!)

First time ko sa lugar na ito. 4 to 5 hours ang biyahe mula Quezon City (pero kaya raw ng 3 hours kung hindi summer vacation!) Maganda, malinis at pino ang buhangin ng beach rito. Mababait din ang mga tao. (walang mga ate chona ha!) Pwedeng mag-surf bilang may pagkakataong malakas ang alon. (pero madalas sakto lang ang lakas n’ya!) Pwede ring mag-arkila ng ATV, para libutin ang magagandang tanawin.(lakas maka-macho pag pinapaandar mo na ang ATV!)  Pina-experience samin yan ng Zamba Villas at dito ko nakita na napaka-promising ng lugar. Nature kung Nature. Beach kung Beach. Magaganda ang mga konsepto ng mga resort at accommodation dito. Marami sa mga ito ay bagong gawa pa at hindi ganung kamahalan ang bayad. (ako nga naka-harbat pa ng magandang price sa tinuluyan namin!) Pwede ring gumimik pag gabi. May mga helera ng bars na pwedeng tambayan. (pero hindi makaka-apekto sa ganda ng beach kasi may sarili silang pwesto ha!)

Hindi pa ganun karami ang tao rito kahit pa holy week di tulad ng mga mas sikat na mga destinasyon pag summer. (ok na rin pero sana mapromote para sa kabuhayan ng  mga tao rito!) Marami akong nakilala, bilang medyo maraming mga lumapit para magpapicture. (baka malakas signal sa kanilabaka akala nila ako si Kim Chiu!) Lumapit din sakin ang Kapuso Actor na si Matt Lozano na nagbabakasyon din duon. Mas kilala ko syang bilang Mavy na nakatrabaho ko sa TV5 nung bagets pa sya. (so para na akong tiyahin!) Maliban sa pagiging singer, magiging abala sya sa pagpromote ng remake ng Voltes V ng GMA 7 kung saan gumaganap sya bilang Big Bert. (hindi big bird ha!)

Congratulations sa San Felipe Zambales! Nawa’y mas umusbong pa ang inyong turismo! (gawin nyo akong global tourism ambassador ala Vanessa Hudgens!)

vuukle comment

GMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with