^

PSN Showbiz

Ang Pagmamahal ko kay Lourdes

NakNgFU - Mr. FU - Pilipino Star Ngayon

Ang Pagmamahal ko kay LourdesPitong taon na akong estudyante ng Kabbalah, isang spiritual wisdom. (feeling may spiritual side ha!) Hindi ito religion pero nagtuturo ng mga bagay-bagay tungkol sa buhay. Marami akong natututuhan at isa itong kaakibat sa habambuhay. (may forever ha!) Bukas ito sa lahat. Walang pinipiling tao. (hindi sila judgmental!) Laki akong Katoliko, at hindi ‘yun hadlang at hindi rin nila sinasabing, iwan ko ‘yun o ‘wag kong paniwalaan. (hindi nangingialam!) Kaya ‘yung mga nagisnan ko bilang Katoliko ay ‘di ko kinakalimutan.  (at may mga friends akong pari ha!)

Galing ako sa mga Catholic school. Grade-school at high school nasa Lourdes School QC ako.  Sa University of Santo Tomas Faculty of Arts and Letters ko naman natapos ang kurso kong Communication Arts. (salamat sa tatay kong OFW!) Syempre parehong  may simbahan ang dalawang eskwelahang ito, ang National Shrine of Our Lady of Lourdes at ang Santisimo Rosario Parish Church ng USTe. Nung estudyante ako, walang araw na hindi ako dumadaan sa mga simbahang ‘yan, para humiling at magpasalamat. (feeling good gurl ganyan!) Natigil lang ‘yun nung maka-graduate na ‘ko. (attitude?!) Kaya kapag nakakadaan ako sa mga ‘yan, may pag-flashback ng mga alaala at ramdam sa puso ‘yung nakaraan! (may konting tears ha!)

Bilang mas matagal ang stay ko sa Lourdes School QC, may kakaibang koneksyon ito sa akin.  (mas napapa-emote ako sa simbahan d’yan!) Isa sa mga natutuhan ko d’yan ang kahalagahan ng pagrorosaryo na naging bahagi na ng buhay ko. (mukha lang akong kontrabida pero may rosary ako ha! ) Kaya naman dinadayo ko talaga ‘yan (parang ang layo ko ha!) lalo ‘pag may pinagdadaanan o kahit  minsan ‘yung wala lang, ‘yung bigla ko lang naispan na puntahan. Huling punta ko d’yan noong February 11, Feast day ni Our Lady of Lourdes. (feeling close ako sa kanya!) Naging makabuluhan naman ang pagpunta ko d’yan. (well lagi naman!) Bongga ‘yung pagpapahalaga ng mga tao sa okasyon. (dapat lang naman!)

Wala masyadong nagbago sa Lourdes Church, ‘yung pwesto ni Mama Mary sa taas ng altar, ‘yun pa rin! (nagkaroon lang ng dagdag na production design ha!) ‘Yung ibang pwesto ng mga santo, andun pa rin. (although may mga nadagdag na santo sa cast!) ‘Yung mga upuan, feeling ko ‘yun pa rin ‘yun. (may nadagdag lang na space for added attraction!) At ang pinaka-tumatak talaga sa’kin d’yan, ‘yung tiles ng sahig, hindi nagbago. ‘Yan ang pinakapaborito ko. Kasi kapag nagdarasal ako nung bata ako, lagi akong nakayuko at ang view ko ‘yung tiles. (na minsan natuluan na ‘yan ng luha ko ha! Ang drama ko, Neng!) Hanggang ngayon, d’yan pa rin ako nakatingin habang nagdarasal. (kaya please, wag palitan ang tiles ha!)

Bawat isa sa atin may paniniwala. (walang basagan ng trip!) Ang mahalaga, ‘yung may pananampalataya (yung may divine intervention levels!)  at feeling ko nakakatulong ‘yung may isa o ilang lugar kang maituturing na espesyal para sa iyong pagdarasal. (kahit saan pa ‘yan!) Isang makabuluhang semana santa sa lahat. (parang ‘di bagay sa’kin ‘yung pagbati ng ganyan, pero i-push na natin!)

vuukle comment

OFW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with