^

PSN Showbiz

Ina, inamin ang karanasan sa chain smoker na aktres!

YUN NA! - Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon
Ina, inamin ang karanasan sa chain smoker na aktres!
Ina
STAR/ File

Naku, Ateng Salve, sa cast reveal kahapon ng Pieta movie nina Nora Aunor, Gina Alajar at Alfred Vargas, nabanggit na na kasama rin sa proyektong ‘yon si Jaclyn Jose.

Excited nga pati si Direk Adolf Alix kung paano niyang gagawin ang mga eksenang magkakasama sina Nora, Gina at Jaclyn.

Sabi nga niya, hindi raw siya kinakabahan dahil more on excitement ang nararamdaman niya na may proyekto siya na magkakasama ang tatlong aktres.

Masaya rin si Direk Adolf na kasama rin sa pelikula ang veteran actor na si Bembol Rocco at ang forever fresh ang beauty na si Ina Raymundo.

Anyway, inusisa ko si Ina kung may experience ba siya sa ibang mga nakasama niya before na nag-attitude sa kanya?

May isa raw na ayaw niyang pangalanan na nang magkasama sila na nasa isang maliit na room na ni walang window ay panay ang sigarilyo kahit ang dami nilang magkakasama roon.

Ayaw ni Ina na magkaroon ng kaaway, kaya hindi siya nagbigay ng clue, pero nadulas siya at nasabing “her,” kaya siguradong girl ang co-star niyang ‘yon.

Si Direk Adolf naman ay may experience sa isang naging artista niya na habang nagba-blocking ay nagse-cellphone kaya pinagsabihan niya.

Pero nilinaw ni Direk Adolf na ‘yung mga artista niya sa AraBella ng GMA 7 ay mababait at behaved daw.

Bongga!

Anyway, nilinaw nga pala ni Alfred na kahit siya ang producer ng Pieta, kapag nag-start na raw ang kanilang shooting ay aktor na lang siya at si Direk Adolf ang masusunod sa set.

This week na ang simula ng shooting ng Pieta at sobrang excited na si Alfred dahil magsu-shooting na sila ng Superstar at iba pang stars ng pelikulang pinoprodyus niya.

Regine, may repeat ang solo!

Ang announcement na may repeat ang Solo concert ni Regine Velasquez-Alcasid.

Sa Samsung Performing Arts Theater sa Circuit Makati pa rin ‘yon gaganapin on April 28 and 29.

Sa April 1 lalabas ang tickets para sa Solo: Again!!! two-night concert ng Asia’s Songbird.

Wow!

Richard, mas ganado sa taping

Ang 8% all-time high TV rating ng The Iron Heart noong Wednesday.

Nakarating na kay Richard Gutierrez ang magandang balitang ‘yon at sobra siyang natuwa.

Mas ganado nga raw siya sa balik-taping nila this week para sa kanilang action-drama series ng ABS-CBN.

‘Yun na!

vuukle comment

ALFRED VARGAS

GINA ALAJAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with