^

PSN Showbiz

Baron, nilalabanan ang stigma ng kanyang pinagdaanan

SHOWBIZ NEWS NOW NA - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Baron, nilalabanan ang stigma ng kanyang pinagdaanan
Baron Geisler

Masayang-masaya si Baron Geisler dahil sa pagkakaroon ng endorsement. Ang aktor ngayon ang brand ambassador ng Lemonyo na kilala pagdating sa healthy lemonade drink. Kilalang alcoholic si Baron noon at ngayon ay hindi na umano nakatitikim ng alak. “Medyo matagal-tagal na. But I don’t know kung titikim ulit ako. But our goal down here is not about kung kailan huling uminom ng alak. If you just base on what I’m doing right now, it’s much better na. If you could see the changes in the things I do. I believe na sini-CI (character investigation) muna ako ng mga bossing natin bago ako kinuha,” natatawang pahayag ni Baron.

Ayon sa aktor ay inilalaan niya ang kinita mula sa endorsement sa isang simpleng bahay para sa asawa at anak na nakabase sa Cebu. “Itong pagkakataon na ibinigay sa akin ng Lemonyo this January is such a blessing. I have been wanting to build a home for my family in Cebu. Ito ay ilalaan ko talaga para makapagpatayo ng maliit lang na bahay ng aking pamilya. Ilalagay ko po ang Lemonyo fund o ano mang kikitain ko, specifically po sa itatayo namin ni Jamie para sa aming pamilya. Dream come true po ito, answered prayer ni God. Maraming salamat sa Lemonyo,” pagbabahagi niya.

Samantala, aminado si Ba­ron na mayroon pa ring stigma dahil sa kanyang mga pinag­daanan noon. Matatandaang matagal na nanatili ang aktor sa rehabilitation center noon dahil sa pagiging alcoholic at substance addict. “We’re fighting the stigma, bilang recovering alcoholic and addict, ‘di ba? Hindi na po mawawala ‘yung stigma. Siguro up until na mga four years na makita nila na tuluy-tuloy na ako sa TV o dapat wala na silang naririnig na bad news or negative. That’s what we are trying to do, to fight the stigma. That’s our goal here. To fight the stigma and give people the benefit of the doubt and second chance in life, not necessarily to prove,” makahulugang pagtatapos ng aktor.

Paolo, pinangarap ang foreign actress

Magsasampung taon na si Paolo Gumabao sa show business. Ayon sa aktor ay natutupad na ang kanyang mga pinapangarap lamang noon. Gabi-gabing napapanood si Paolo sa teleseryeng Mars Ravelo’s Darna na pinagbibidahan ni Jane de Leon. Sa susunod na buwan naman ay nakatakdang simulan ang shooting ng binata sa Czech Republic para sa pelikulang Spring in Prague. Makakatambal ni Paolo ang Czech actress na si Sara Sande­va sa bagong proyekto. “I feel very blessed siyempre na napu-put into work ko na rin lahat ng mga natutunan ko sa nine years ko sa industriya. Kasi ngayon lang naman po ako nabibigyan ng chance. Pero hindi ko niri-regret at happy ako, masaya ako sa pinagdaanan ko. Kasi kung ibibigay sa akin ang ganitong project five years ago, hindi ko kaya eh. Feeling ko, dumating po lahat ng mga blessing sa akin kung kailan pakiramdam siguro ng universe na handa na ako,” paglalahad ni Paolo.

Matatandaang isa rin ang aktor sa mga bida ng Mamasapano: Now It Can Be Told na isa sa mga pelikulang kalahok sa nakaraang Metro Manila Film Festival 2022. Bata pa lamang ay pinapangarap na ni Paolo na makagawa ng isang action film katulad ng amang si Dennis Roldan. “I’ve been dreaming of this moment since I was a kid, seven years old pa lang ako. Lahat ng mga projects na nakukuha ko ngayon were all manifestations kumbaga. Ini-imagine ko talaga siya dati pa. I also dreamed of working with a foreign actress gaya ng nangyari. ‘Yung Mamasapano, pangarap ko rin ‘yon, mag-action. So to win awards, dream ko. Pero siyempre the lear­ning doesn’t stop there. Alam ko rin talaga na napakaaga pa at napakabata pa ng career ko. I’m just here right now, ginagawa ko ang best ko sa lahat ng proyekto na ibigay sa akin at hopefully, isa tayo sa tumagal sa industriya,” nakangiting pahayag ng aktor. (Reports from JCC)

vuukle comment

BARON GEISLER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with