^

PSN Showbiz

Jomari at Abby, pakakasal na!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Jomari at Abby, pakakasal na!
Jomari Yllana at Abby Viduya

Parang laging nasa honeymoon stage sina Jomari Yllana at Abby Viduya.

Silang dalawa lang kasi sa bahay.

Pero may tumutulong sa kanila - merong naggo-grocery at nagpapa-laundry lang ang mag-partner na libreng-libre nang pakasal.

Sakaling pakasal sila, ani Abby, mas gusto sana niya ang intimate lang pero ang pinaplano ni Jomari ay invited lahat ng mga kaibigan nila.

Never ba kayo nagkaroon ng LQ (lover’s quarrel) ngayon? “LQ ni Jom? May mga tampuhan. There are things na normal naman ‘yun. Matured na kami eh. Actually, wala kaming pinag-aawayan. Wala talaga.”

Sanay na rin daw siya sa gawaing bahay, nasanay na siya sa Canada, ani Abby.

Samantala, nagbabalik sa racing circuit si Jomari. Si Jom ang punong abala sa gaganaping Paeng Nodalo Memorial Rally sa November 5-6, Subic Bay Freeport.

Magsisilbi itong tribute kay Paeng Nodalo, isa sa mga haligi ng motorsports ng bansa, na nasa likod ng sikat na Mabuhay Rally.

Si Jomari, na kasalukuyang three-term councilor sa Parañaque City, ay ang unang Filipino na nakapuntos ng podium finish sa Yeongam International F-1 circuit sa South Korea noong 2014.

Isa rin siya sa tatlong nanalo sa Super Race Round 8 Championship, Accent One Category kung saan nagtitipun-tipon ang mga nangungunang racer mula sa buong mundo.

Ang kanyang racing team na Yllana GTR din ang unang Filipino racing team na nanalo sa nasabing event.

Naalala ni Jomari na nagsanay siya ng isang buong taon bago pumasok sa Super Race championship. 

Jomari’s other racing credits include:

Philippine National Touring Car Champion Driver; 1996 won Rookie of the year (1st runner up, Toyota Corolla Cup) in 1996.

Runner up and Champion driver, Philippine National Touring Car Championship for Toyota Team Toms, 1997-2001 and Runner up, Philippine Grand Touring Car Championship, 2014-2015 (Yllana Racing Team).

Nagsimula ang pagmamahal ng aktor sa karerahan nang sumali siya sa Toyota Team Tom’s noong huling bahagi ng dekada ‘90.

Ang stint niyang ‘yun ay humantong sa kasiyahan niya habang nagmamaniobra sa mga high-speed drive sa Batangas Racing Circuit at Clark International Speedway.

Samantala, ang panganay na anak ni Jomari kay Aiko Melendez ay nagpapakita na ngayon ng interest sa nasabing sport. “Hilig din niya. But, I tell him racing isn’t just a hobby. You have to be a professional to make it work,” paalala raw niya sa anak na naikuwento na niya noon na binigyan niya ito ng kotse na pangkarera.

 Si Jomari na ang full name ay  José María Garchitorena Yllana, ay sumikat noong 1990s sa teen group na Gwapings kasama sina Mark Anthony Fernandez, Eric Fructuoso, at kalaunan ay nakasama si Jao Mapa.

Sa darating na December ay magkakaroon siya ng acting comeback, playing the part of a politician, in an Erik Matti series, set for international release.  

Kabilang sa mga memorable film niya bilang isang magaling na actor ay ang The Healing, Ikaw ang Pag-ibig, Sigaw, Minsan Pa, Gatas... Sa Dibdib Ng Kaaway, Bulaklak ng Maynila, Sambahin Ang Ngalan Mo, Sa Pusod ng Dagat, Diliryo, at marami pang iba.

 

vuukle comment

JOMARI YLLANA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with