^

PSN Showbiz

Billy may ibang gagawin bilang Kapuso, GMA handa sa maraming partnership

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Billy may ibang gagawin bilang Kapuso, GMA handa sa maraming partnership
Billy
STAR/ File

Ngayong hapon na mag-uumpisang mapanood si Billy Crawford sa hit international game show, The Wall Philippines, sa GMA 7.

Ang nasabing programa ay co-production sa pagitan GMA and Viva.

Nauna nang sinabi ng magaling na singer / TV host na ito ang naging pagkakataon sa kanya upang makabalik sa GMA bilang freelancer.

At bukod dito meron daw silang ibang pinag-uusapan na trabaho.

“We also have other shows lined up and in the talks for now,” aniya sa ginanap na online conference early this week.

Nangako rin siya na masaya ang pagbabalik niya, “I’m sure magugustuhan ng audience itong The Wall’ because it’s a very exciting show. The best thing about game shows is you let people’s emotions out. We want the contestants to feel afraid, excited, sad and happy.”

Sinabi naman ni GMA’s First Vice President for Program Management Department Joey R. Abacan na bukas ang network sa mga partnership na magbibigay sa audience ng ‘superior entertainment,’ “Ever since naman, GMA has been very collaborative. You cannot contain talents in just one company; you have to expand. And now, I’m so happy that we have Billy and we’ll be able to work with each other again.”

Kaya’t asahang marami pang ibang programa ang mapapanood sa GMA na mayroon silang ka-collab.

May chance kayang magkaroon sila ng collab with ABS-CBN ngayong kumbaga ay nakapreno ang investment deal ng ABS-CBN and TV5 dahil sa  pagsilip ng ilang kongresista sa nasabing agreement kahit naipaliwanag na ang ang magiging set-up?

Anyway, mapapanood ang The Wall Philippines this Aug. 28, every Sunday at 3:35 p.m.

Pero bakit kaya naudlot ang pagpasok ni Matteo Guidicelli sa Unang Hirit two weeks ago?

Alam na ng ibang host ang pag-join niya sa morning show ng GMA pero biglang preno at biglang ang sabi may mga inaayos daw na legal clearance.

Or baka naman naghahanap lang sila ng timing.

vuukle comment

BILLY CRAWFORD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with