^

PSN Showbiz

Padalang prutas ni Gabby, pinaliwanag kung bakit may nakalagay na ‘Tita’

YUN NA! - Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon
Padalang prutas ni Gabby, pinaliwanag kung bakit may nakalagay na �Tita�
Gabby Concepcion

Alam mo, Ateng Salve, kahapon ay tinawagan ko si Manay Lolit Solis at nakipagtsikahan ako sa kanya.

Isa sa mga napag-usapan namin ni Manay Lolit ay tungkol sa fruits na ipinadala sa kanya ng dati niyang alagang si Gabby Concepcion.

‘Di ba nga may duda si Manay Lolit na baka sa management team ng Kapuso actor lang galing ‘yon dahil tinawag siyang ‘Tita’?

Heto na, kausap ko kasi si Therese Ramos, ang dating handler sa Viva Artists Agency ni Gabby, at nag-a-agent pa rin naman ito sa dating alaga ni Manay Lolit. Sa akin kasi hiningi ni Therese ang address at cellphone number ng pamosong talent manager cum entertainment columnist at magpapadala nga raw siya ng fruits.

Ikinuwento ko nga kay Manay Lolit na talagang si Gabby ang may padala ng fruits na ‘yon. Kuwento nga ni Therese, “Pakisabi kay Tita Lolit, kay Gabby talaga galing ‘yon. Magkakuwentuhan kasi kami ni Gabby at nabanggit ko nga na magpapadala ako ng fruits dahil may sakit si Tita Lolit, sabi niya, gusto rin niyang magpadala ng fruits at ako na nga ang um-order for him. Nagkamali lang ako na nalagyan ko ng ‘Tita’, pero alam ‘yon ni Gabby.”

Sabi naman ni Tita Lolit, touched naman siya sa gesture na ‘yon ni Gabby at lalo siyang mata-touch kung tutuparin din ni Therese ang pangako nito na magpapadala rin mamaya ng fruits.

In fairness, kahit diabetic si Tita Lolit, may fruits naman na puwede sa kanya, na siya namang na-Google ni Therese, huh!

Pero alam mo ba, Ateng Salve, maraming mga fan si Tita Lolit sa Los Angeles, California ang gustong magpadala sa akin ng medicines and vitamins para sa kanya para gumaling daw kaagad at makapag-resume na sa online show nila ni Mr. Fu, ang Take It! Take It! May Ganu’n?!

Naku, two weeks pa lang wala ‘yung online show n’yo ay sobrang miss na miss na kayo ng fans, huh!

Bongga!

FPJ’s Ang Probinsyano, may question pa rin ang ending

May isang inusisa ako kung kailan ba ang last taping day ng FPJ’s Ang Probinsyano.

Sabi ng taong tinanong ko, ang sabi raw sa kanila ay August 9. Eh, ‘di ba sabi ang finale ay sa August 12?

Pero talaga bang August 12 nga ang ending ng FPJ’s Ang Probinsyano ni Coco Martin?

Nalilito rin kasi ang taong kausap ko dahil may guesting pa raw sa ASAP Natin ‘To ng August 14.

Pero, teka! Hindi kaya pasasalamat lang sa pagtangkilik sa action-drama series ng ABS-CBN kaya may guesting sa ASAP Natin ‘To on August 14 si Coco at ang ibang kasama sa cast?

Well...

Vina, bumawi

Kahit hindi natuloy ‘yung show nila ni Jim Brickman last Friday sa Pomona, California, bawi naman si Vina Morales sa San Diego show nila.

Chika ng friend kong si Tony Garcia na dumayo pa sa Scottish Rite Center noong Sunday, puno raw ang venue.

Well, ‘katuwa naman!

‘Yun na!

vuukle comment

GABBY CONCEPCION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with