^

PSN Showbiz

Darna, nakaalala!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Darna, nakaalala!
Jane de Leon.

Gusto ko mag-thank you kay Jane ‘Darna’ de Leon, Salve. Pinadalhan niya ako ng something sa hospital, kahit hindi pa kami personal na magkakilala na iniabot sa amin ng security guard sa FEU.

So touching para sa akin dahil nag-effort siya, at talagang nasa utak ko iyon gesture niya na ginawa.

Nagagandahan ako kay Jane nung mapanood ko siya sa TV, malakas din ang screen presence niya, maganda ang boses at palagay ko magiging malaking star.

Big project ang Darna na pag binigay mo sa isang baguhan will really stir interest.

Tiyak na magiging important star si Jane na isa ring ambassador ng Belo Clinic. At itong ugali niya na nagri-reach out isang malaking plus factor sa isang artista na tulad niya.

Thank you Jane, much appreciated.

Isko, napuri sa ginawang pag-amin

Maganda ang ginawa nila Isko Moreno na hindi inilihim iyon baby ng kanyang anak na si Joaquin.

Totoo na sayang at nag-uumpisa pa lang sa kanyang showbiz career si Joaquin pero mas pangit naman na ilihim ang isang inosenteng bata.

Kahit ano naman ang tago mo sa isang sekreto, lalabas at lalabas din ang totoo.

Kung talagang sisikat ka, kahit ano pa ang mang­yari, sisikat ka pa rin. Mas mabuti nang honest ka at walang itinatago, walang isusumbat sa iyo later on.

Good job, honesty is the best policy.

vuukle comment

JANE DE LEON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with