^

PSN Showbiz

Kate, sasabak sa dual role

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Kate, sasabak sa dual role
Kate
STAR/ File

Bongga big break pala para sa Kapuso star na si Kate Valdez ang pagpili sa kanya ng Kapuso network bilang bida sa pinakabagong Afternoon series na Unica Hija.

Bongga naman dahil dual roles pa ang kanyang gagampanan sa serye at kung saan ay lalabas siyang produkto ng cloning!

At first time rin nilang magtatambal ni Kelvin Miranda, habang si Faith Da Silva naman ang gaganap na kontrabida.

Pasok din daw sa cast ang dati kong alagang si Mark Herras at Katrina Halili, at makakasama rin ang batikang singer at aktor na si Buboy Garovillo.

Naku dapat patunayan ni Kate na karapat-dapat siya sa big break na ito ng GMA sa kanya.

Ipakita niya at gawin ang lahat para hindi masayang ang pagkakataon na binigay sa kanya ng Kapuso Network.

Suwerte siya samantalang ang ibang artista, nganga pa rin hanggang ngayon at naghihintay sa kanilang bonggang break.

May dalang lungkot...

Talagang ‘pag nasa hospital ka pala medyo iba ang feeling mo, Salve.

Iyon bang parang mababa energy mo, saka parang something is not alright.

Para ngang gusto kong maiyak kasi feeling sad ako. Iyon lang feeling mo, parang meron kang hopelessness na nararam­daman at parang fragile ang emotion mo.

Ayoko ngang isipin na nega pero meron talagang sadness. Ganun lang siguro talaga iyon, kasi nga akala ko superwoman ako na hindi magkakasakit. Kaya nagulat din ako na heto, nasa loob ako ng hospital.

Gusto ko ngang mag-thank you dahil kahit bawal ang dalaw, talagang nagpadala pa rin ng flowers at fruits ang precious friends ko.

Nagulat ako sa laki ng flowers na padala ni Alden Richards, talagang no wonder na maraming nagmamahal sa kanya. Iyon bang nandiyan siya agad para ipadamang pagdamay. Flowers and fruits from Rhea Tan, Pinky Tobiano, Tet and Faye, ang mahal kong sina Mayette at Vanni Patillas, si Peachy Guioguio, GMA 7, talagang feel ko ang love.

Thank you. Your prayers also are a big help, dahil only God can really help us.

vuukle comment

KATE VALDEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with