^

PSN Showbiz

Madlang Pipol, live na ulit sa It’s Showtime

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Madlang Pipol, live na ulit sa It�s Showtime
It's Showtime family
STAR/ File

In all fairness, trending worldwide sa Twitter ang unang pag-ere ng It’s Showtime sa TV5 na nagsimula sa pasabog na opening number handog ng hosts  kasama ang ilang madlang pipol live nitong Sabado (Hulyo 16).

Ani ni Vice Ganda, dahil nga sa patuloy nilang pagdarasal natupad nga ang panalangin na lumawak ang nanonood sa kanila.

“Dahil palagi natin mina-manifest ang better days. Another big door has opened for all of us. What’s up madlang pipol, what’s up mga Kapatid!” dagdag ng Unkabogabol star.

Pinasalamatan din ni Vhong Navarro ang TV5 sa pagbibigay nito ng oportunidad sa kanila na mas marami pang Pilipino ang kanilang mapasaya araw-araw.

“Maraming salamat TV5 dahil hindi kayo nag-atubiling pagbuksan kami ng pintuan para mas maging pangmalakasan ang pagpapalaganap namin ng good vibes sa ating mga madlang pipol,” saad ni Vhong.

Excited naman si Anne Curtis sa mga pasabog nilang hinanda sa mga na-miss niyang viewers. “Sa mga na-miss kami, isang virtual hug at isang nice to see you again. Alam mo excited na talaga ako sa mas funmalawakan, harutan, tawanan, at bonding kasama kayo.”

Katulad nina Vice, Vhong, at Anne, lubos din ang kasiyahan na naramdaman nina Jhong Hilario, Ogie Alcasid, Karylle, Kim Chiu, Amy Perez, Jugs Jugueta, Teddy Corpuz, Ryan Bang, Jackie Gonzaga, at Ion Perez sa pagpapalabas ng kanilang programa sa TV5.

Bukod naman sa pasabog na number, kinapitan din ng viewers ang semifinals ng Showtime Sexy Babe kung saan 14 na sexy babe nga ang naglaban-laban para makakuha ng pwesto sa unang grand finals ng Showtime pageant. Nagtagisan ang mga ito sa Ooh La Lakad, at Hot Tanungan kung saan ipinakita nila ang galing pagrampa at pagsagot para ma-impress ang mga huradong sina Kylie Verzosa, Ruffa Gutierrez, at Jameson Blake.

Panoorin ang It’s Showtime mula Lunes hanggang Sabado, 12:45 p.m. sa A2Z, Kapamilya Channel, TV5, Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, pati na rin sa iWantTFC app o iwanttfc.com.

vuukle comment

TV5

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with