^

PSN Showbiz

K, ibinunyag ang setup nina Pokie at Lee

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
K, ibinunyag ang setup nina Pokie at Lee
Pokwang at K
STAR/ File

Tahimik lang ang paghihiwalay nina Pokwang at ng kanyang partner na si Lee O’Brian.

Alam na ito ng mga malalapit nilang kaibigan, pero hindi na nila ito ipinagkalat.

Nung November last year pa sila nag-decide maghiwalay, pero hindi ito natunugan sa kanilang social media account.

Ngayon lang ito pumutok at inamin na rin ng ­ilang close friends nila, at isa na nga rito si K Brosas na talagang BFF ni Mamang Pokwang.

Sabi ni K Brosas nang nakatsikahan namin sa mall show ng Sing Galing Kids sa Vista Mall, Taguig nung nakaraang Sabado: “Nagkakalabuan pa lang sila, alam ko na!”

Okay na okay na raw ngayon si Pokwang, at nakatakda na nga silang umalis pa-Amerika para sa concert tour nila roon.

Two weeks lang daw silang mawawala, kaya iiwan muna ni Pokie ang anak niyang si Malia.

Kapag daw nasa lock-in taping si Pokie, si Lee ang nagbabantay sa kanilang anak.

Ayaw nang pahabain pa ni K ang usapin tungkol sa issue ni Pokwang dahil buhay ito ng kaibigan niya. “Ahh, huwag na nating pag-usapan ‘yun. Pero kasi, same naman kami pareho, e,” bulalas ni K. “Pero ang maganda rito is ‘yung co-parenting nila. Hindi naman niya kinekyeme ‘yung anak niya sa, ‘Ayy! Hindi pwedeng makita ang tatay!’ Walang ganun.

“Nakita ko naman din si Lee firsthand na la­ging nagbi-video call ‘pag hindi pwede. Pupunta sa bahay ni Pokie. Wala tayong problema dun. Pero hayaan na natin. Kasi, sabi ko, ‘O, ano na?!’ Nagkadyowa siya, naghiwalay,?ako, waley pa rin!,” natatawa niyang kuwento.

Kaya sa tingin niya okay na okay na ngayon si Pokwang, at kahit hindi na siya magkadyowa uli, sobrang saya na nito sa dalawa niyang anak.

At ganun yata talaga, kapag sobrang ganda ng career, nasasakri­pisyo ang lovelife.

Pagkatapos ng US tour ay magi­ging abala na si Pokwang sa promo ng bagong daily siya niya sa GMA 7 na TikTokClock.

Si K naman na hindi na umaasang magkadyowa, tuluy-tuloy pa rin sa Sing Galing sa TV5, at magsisimula na sa Sabado, July 16, ang kanilang Sing Galing Kids.

Kaya binitiwan na raw niya ang Lunch Out Loud dahil, daily na rin siya sa Lakwatsika nila ni Ethel Booba.

Pero sobra siyang nag-i-enjoy dito sa Sing Galing, lalo na rito sa Sing Galing Kids nila dahil kakaibang experience naman daw na mga bata edad 5 hanggang 12 ang kasali, at ang gulo at ang saya raw nila sa studio.

Darna 5 milyon views na, Ruru todo pasasalamat sa Lolong

As of last weekend, mahigit 5M views na ang trailer ng Darna ni Jane de Leon.

Ang dami nang excited na mapanood ito, pero matindi rin ang makakatapat niyang Lolong sa GMA 7 na patuloy na tumataas ang rating.

Talbog nga nito ang pinalitang First Lady dahil hindi ito bumababa sa 15 percent ang rating, nag-17 percent plus ito madalas.

Kaya nga abot-abot ang dasal ni Ruru bilang pasasalamat sa Panginoong Diyos dahil ito raw ang matagal niyang hinihintay, na mabig­yan siya ng magandang project na gustung-gusto niya talagang gawin.

“After 10 years po unti-unti na po binibigay ng Panginoong Diyos ang mga pangarap ko,” text sa akin ni Ruru.

Kaya nga nangako raw siyang hinding-hindi siya magbabago.

Kaya naman pinagpala si Ruru dahil napakamatulungin pa niya.

Hinding-hindi siya nagpapabaya sa mga kaibigan niyang nangangailangan.

‘Di ba nung pinrank siya si Buboy Villar na humihiram ng pera, willing siyang magbigay agad-agad ng P150K para sa pangangailangan ni Buboy.

Heto ka nga! Binuweltahan din ni Ruru si Buboy ng prank na lumabas sa vlog niya.

Nataranta si Buboy nang mag-away sina Ruru at Bianca Umali dahil sa selos. ‘Yun pala prank lang nila ito sa komed­yante.

Magkasama ngayon si Ruru at Buboy sa South Korea para sa taping ng Running Man Ph. Lalo nga silang nag-bon­ding doon.

vuukle comment

LEE O’BRIAN

POKWANG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with