Unica Hija, big break para kay Kate Valdez
Itinuturing ng Kapuso star na si Kate Valdez na big break ang pagpili sa kanya ng Kapuso Network para bumida sa pinakabagong Afternoon Prime series na Unica Hija.
Doble ang excitement ni Kate sa kanyang bagong TV project dahil dual roles ang kanyang gagampanan sa serye at kung saan ay lalabas siyang produkto ng cloning!
First time ring makakatambal ni Kate ang Sparkle artist na si Kelvin Miranda habang gaganap namang kontrabida si Faith Da Silva.
Pasok din sa cast ang Starstruck Batch 1 alumni na sina Mark Herras at Katrina Halili, at batikang singer at aktor na si Buboy Garovillo.
- Latest