^

PSN Showbiz

Aktor na kontrobersyal, umamin sa mga ‘karanasan’

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pilipino Star Ngayon

Naku may pinag-uusapang malaking tsismis. Ipinatawag daw ng top ma­nagement ng isang network at pinagpaliwanag tungkol sa mga kinasasangkutan niyang iskandalo ang isang aktor.

Karapatan naman iyon ng kanyang home network dahil namumuhunan sila sa bawat proyektong gawin ng isang artista. Karapatan nilang malaman kung ayos ba o hindi ang pupuhunanan nila.

Mukhang hindi naniniwala ang network sa mga alibi ng kampo ng male star.

At doon daw mismo sa masinsinang pag-uusap na iyon, na wala siyang alalay, napilitan ang male star na aminin ang kanyang mga “sidelines” at kinasangkutang “scandals”.

Eh hindi man niya aminin, open book na iyan. Nakakahiya nga sa network mukhang sila pa ang huling nakaalam.

Ewan ngayon kung pupuhunan pa siya ng network, o magsa-sideline na lang siya.

Sanya, bagay ring maging ‘first lola’

May mga viewer daw na humihiling na magkaroon pa ng Book 3 ang tambalan nina Gabby Concepcion at Sanya Lopez.

Nagsimula sila sa First Yaya, na naging First Lady, ang susunod ba ay First Lola, tutal naman ang gumaganap na anak nilang si Joaquin Domagoso ay tatay na?

Parang tama na iyong nagawa nila. Pag­tambalin sila sina Sanya at Gabby pero pumili naman sana sila ng ibang tema.

Nora, mapapaki­nabangan pa ang perks ng pagiging national artist

Para bang sinasabi nila ngayon, “aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo?” Masaya naman si Nora Aunor dahil finally after two rejections, naideklara rin siyang national artist.

Bumawi naman si ex-president Digong bago siya bumaba sa pwesto.

Pero may mga kritiko pa ring may sinasabi.

Sinasabi nila ngayon, mahabang panahon ang nawala dahil sa mga naunang rejection sa kanya.

Dumating pa iyong panahon na kailangang magpagamot si Nora, hindi nagawa dahil wala diumanong.

Naranasan din niyang gumawa ng pelikula na walang nanonood at inaalis sa mga sinehan.

Kung iyan daw ba naman ay natulungan na nila sa simula pa, baka ‘di ganun ang naging karanasan niya?

Pero kung kami ang tatanungin, ganyan talaga ang mga artista. Hindi naman kasi talaga habang panahon ang popularidad.

Kadalasan hindi nila napaghahandaan ang kinabukasan. Masasabi ngang suwerte pa si Nora eh, noong ideklara siyang national artist buhay pa siya. Mai-enjoy niya pa ang perks ng isang national artist.

Sana ang maisip ng kanyang mga supporter ngayon ay kung papaano siya matutulungan lalo na sa panahong ito na bagsak ang industriya.

vuukle comment

ACTOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with