^

PSN Showbiz

Mga buwaya, biglang nagkalat

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Mga buwaya, biglang nagkalat
Ruru
STAR/ File

Bongga ang mga promo ng adventure-serye na Lolong!

Parang biglang nagkalat ang mga buwaya.

Kahapon ay sa Bulacan naman daw nakita ang isang buwaya.

Well, baka naman ‘kamag-anak’ ito ni Lolong (Ruru Madrid)?

Yes, bukod sa patuloy ang pagdami ng views ng full trailer ng serye, nitong weekend lang ay naging viral ang pagrampa ng 22-footer na si Dakila sa Antipolo, Marikina, Pasig, at ilan pang bahagi ng Metro Manila.

Pinagkaguluhan kasi ang isang malaking buwaya na nakasakay sa isang truck habang nakatali at nakapiring. Mabilis itong nag-viral matapos mag-upload ng videos at photos ang mga motorista at bystander na nakakita sa dambuhalang buwaya.

Marami ang nag-akala na tunay ito. Pero kalaunan ay nabalitaan din nila na ito ang animatronic crocodile na si Dakila.

Si Dakila ang buwayang magi­ging kaibigan ng karakter ni Ruru na si Lolong na simula na sa Lunes, July 4.

Gawa sa fiberglass ang katawan ng buwaya habang silicone naman ang ginamit para sa balat nito. Kaya naman talagang akala ng mga nakakita ay totoo itong buwaya!

Pagkatapos ng kanyang ‘pagrampa’, sinalubong ni Ruru si Dakila sa GMA. Nagpost din si Ruru sa social media account niya upang bigyang-pugay ang mga tao sa likod ng pagkakagawa kay Dakila.

vuukle comment

LOLONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with