^

PSN Showbiz

Angel nagmukhang koreana, naghahanda sa drama series na gagawin!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

Nakakatuwa ang bagong look ngayon ni Angel Locsin. Hindi lang nakikita ang buong katawan, pero sa mukha naman ay parang pumayat na siya.

Mala-Koreana ang look na naka-bangs, kaya lalong bumagets at gumanda.

Paghahanda na kaya ito sa bagong project na gagawin niya?

Ang narinig namin, isang drama series adapted sa isang sikat na series sa ibang bansa ang gagawin niya na ididirek ni direk Erik Matti.

‘Yun lang ang initial na nabalitaan namin, pero wala pang kumpirmasyon kung tuloy na tuloy na.

Ang latest lang na nasagap namin ay binubuo na ang casting na dapat magagaling talaga, dahil maganda ang kuwento at nag-hit ang series na ito sa buong mundo.

Pinakilig...

Tuwang-tuwa ang JulieVer fans sa pagsasama uli nina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz sa All-Out Sundays kahapon.

Sa rehearsal pa lang nung Sabado ay may fans nang nagti-tweet na ang sweet na ng dalawa.

Sabi nga nila, hindi man daw sila magka-loveteam, nagpapakita lang daw ang dalawa nang pagiging totoo sa kanilang nararamdaman. Kaya kahit hindi pa sila umaamin, ‘what you see is what you get’  na raw.

Nakukuhanang nagbubulungan sina Rayver at Julie Anne. Ang sweet din nina Kyline Alcantara at Mavy Legaspi. Nandun din sina Rita Daniela katabi si Gabbi Garcia na nagtatawanan.

Na-late lang daw ng dating si Khalil Ramos, pero nandun din nag-rehearse para sa live episode ng AOS kahapon.

Sa opening number pa lang ay todo kantiyaw na sina Julie Anne at Rayver.

“Magdyowa na ba kayo?,” bati ni Rufa Mae Quinto sa dalawa nang winelcome back siya sa programa.

Kinanta rin nila ang Boyfriend nina Ariana Grande at Social House.

Doon ay nagpahayag si Julie Anne ng pasasalamat sa lahat na suporta ni Rayver sa kanya, na medyo naintriga kami sa sinabi niyang, “Thank you so much for everything and you know the rest.”

Samantala, kasama si Rayver sa bagong drama series ng GMA 7 na magsisimula na ngayong gabi, ang Bolera na pagbibidahan ni Kylie Padilla.

Nandun din si Kylie kahapon para i-promote ang Bolera na bale pagbabalik niya sa GMA Telebabad.

May mga ilang offers na tinanggihan niya noon, dahil naniniwala siyang meron talagang darating para sa kanya. Ito na nga ang Bolera.

Sabi nga ng headwriter nitong Bolera na si Des Garbes-Se­verino, si Kylie raw talaga ang nasa isip nilang swak na swak na gumanap nang ipinitch nila ang naturang project.

Abangan itong Bolera ngayong gabi pagkatapos ng First Lady.

Jenny miller, mahal pa rin ang fake friend...

Sa June 6 naman magsisimula na ang The Fake Life sa afternoon drama ng GMA 7.

Bale ito ang pagbabalik ni Ariel Rivera pagkatapos niyang napasama noon sa Mulawin.

Kasama sa seryeng ito si Jenny Miller na tinanong na rin namin sa nakaraang mediacon kung ‘fake friend’ na ba niya ngayon ang kilalang aktres na dati niyang ‘true friend.’

Nakiusap na lang si Jenny sa amin na huwag nang banggitin kung sino itong aktres, pero matagal na nga silang walang komunikasyon nitong aktres na sobrang bestfriend niya noon.

Ang alam ko nagkaroon sila ng isyu noon sa kadatungan, pero ayaw nang uriratin pa ni Jenny. Tapos na raw ‘yun at okay na raw siya at kung ‘true friend’ pa rin daw ang turing sa kanya nitong kilalang aktres, ganun din naman daw siya.

“Ako kasi kapag nakipagkaibigan, totoong tao ako. I mean, I choose people na lang kung sino ang i-involve ko sa buhay ko, kung kanino ko i-share ‘yung buhay ko. I mean, kung kinu-consider ko dati na friend kita, minahal kita noon, mahal pa rin kita ngayon.

“Whatever it is. Kung naging fake ka na sa akin ngayon, it’s up to you. Ako, nandito lang ako, totoong kaibigan,” saad ni Jenny Miller.

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with