^

PSN Showbiz

'Hipon Girl' Harlene Budol dasal-dasal muna bago Bb. Pilipinas final screening

Philstar.com
'Hipon Girl' Harlene Budol dasal-dasal muna bago Bb. Pilipinas final screening
Litrato ni Herlene Budol (mas kilala bilang "Hipon Girl") bago ang final screening ng Binibining Pilipinas 2022
Mula sa Instagram account ni Herelene Budol; Philstar.com/Jan Milo Severo

MANILA, Philippines — Napadasal na lang ang komedyanteng si Herlene Budol (mas kilala bilang "Hipon Girl") ngayong gaganapin ang "final screening" ng Binibining Pilipinas, Biyernes.

Kung nagkataon kasi, one-step closer na siya sa pangarap na maging bonafide beauty queen.

"Everything happens for a reason. That reason causes change. Sometimes it's hard. But, in the end, it's all for the best," wika niya nitong Huwebes sa Instagram.

"Lord I lift up everything to you. Take my plans and have your way. I will just follow. I am not afraid because in this journey of my life, God is with me. Amen!"

Nitong Abril lang nang kumpirmahin ni Hipon Girl, na nadiskubre bilang contestant at kalauna'y naging co-host ng "Wowowin," na sasali siya sa paparating na Binibining Pilipinas 2022.

Ito'y sa kabila ng branding niya bilang "hipon," na kilalang katawagan para sa mga "hindi kagandahan pero maganda ang katawan."

Una na niyang sinabing balak niyang mag-Tagalog sa naturang patimpalak habang iginigiit na hindi niya ikinahihiya ang kahinaan sa wikang Inggles.

Sunud-sunod ang kanyang mga posts sa social media patungkol sa kanyang paghahanda sa nasabing pageant, kasama na riyan ang training at kanyang makeover.

Pinasalamatan naman niya ang kanyang pamilya, mga kaibigan, manager, mentor at mga supporter sa walang sawang nasa likod niya sa kanyang pakikipagsapalaran.

"Never stop trusting God & believing in his plan," sabi pa niya sa paskil. 

Pinipili sa Binibining Pilipinas ang mga magiging kinatawan ng Pilipinas para mag-compete sa "big four" international beauty pageants gaya na lang ng Miss International. 

Sila rin ang pumipili para sa iba pang international pageants gaya na lang ng Miss Grand International, Miss Intercontinental at Miss Globe.  — James Relativo

vuukle comment

BINIBINING PILIPINAS

HIPON GIRL

WOWOWIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with