^

PSN Showbiz

Mayamang bading, ipinadala ang ebidensiya sa girlfriend ng karelasyong aktor!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

Nadiskubre namin kamakailan lang kung bakit nag-break ang magkasintahang guwapong aktor at magandang aktres.

Nasulsulan pala itong si magandang aktres ng mga kabadingan tungkol sa tsismis na may dyowang napakayamang bading daw itong si guwapong aktor.

Hanggang sa nagkaroon sila ng komunikasyon ng mayamang bading at nagkapalitan sila ng mensahe.

Hindi maganda ang sinabi ni magandang aktres kay mayamang bading na kesyo wala raw matinong lalaking papatol at seryosohin itong si bading.

Sa irita ni bading, ipinadala nito ang mga litratong magkasama sila ni guwapong aktor. Ang sweet nilang dalawa sa mga litrato, at ang pinakabombang pasabog ay ang video na kung saan parang nagpu-propose itong si guwapong aktor kay mayamang bading. May pa-flowers at parang nangingiyak-ngiyak pa raw nagpapahayag ng mensahe kay mayamang bading.

May pahalik-halik pa na tila mahal na mahal ni guwapong aktor si mayamang bading.

Hindi na-take ni magandang aktres ang mga nakita niya, nakipagkalas na ito kay guwapong aktor.

Pero hindi naman natin natitiyak kung totoo ba talaga iyun o baka parang laro laro lang nila.

Nagalit si guwapong aktor kay mayamang bading.

Pinag-awayan nila nang bonggang-bongga, hanggang sa nagkahiwalay.

Pagkalipas ng ilang linggo, isang basketbolista ang tumawag kay guwapong aktor na pinapabawi raw ni mayamang bading ang mga alahas na naibigay sa kanya.

Kaagad namang isinoli ito ni guwapong aktor. Iyung basketbolistang naningil ay isa rin palang dyowa ni mayamang bading.

Hindi ko lang sure kung talaga bang pinapabawi  ni mayamang ba­ding. Pero okay na raw iyun. Kuwentas-klaras, nagkasolian pero paano naman maibalik ni mayamang bading ang atensyon at pag-aaruga na ibinigay ni guwapong aktor?

Parang babae na nga raw ang trato ni guwapong aktor dito kay mayamang bading, tapos babawian lang.    

Pag malas-malasin pa ito, baka kumalat pa ang video na iyun, tiyak na makakaapekto pa ito sa showbiz career ni guwapong aktor. 

Huwag naman sana, dahil hindi naman niloko o binalasubas ni guwapong aktor si mayamang bading.

Ang latest, nandiyan pa rin daw ang pagmamahal ni guwapong aktor kay magandang aktres. May posibilidad na magkakabalikan sila.

Docu ni Marian sa Israel, isasabay sa Mother’s Day

Nakabuo ng isang documentary ang mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera nang mag-judge ang Kapuso actress sa Miss Universe.

Para raw ito sa mga ina, kaya gagawin daw nila itong special para sa Mother’s Day. “May isa pang OFW mother na ipi-feature. Na shoot sa Israel nung Ms. Universe,” pakli ni Marian sa grand launch ng bago niyang endorsement na Blancare lotion ng Kamiseta Skin.

“Makikita nila sa documentary na ano ba ang sakri­pisyo ng isang ina para sa isang anak?

“Espesyal ito, dahil ang salitang nanay…ang magulang para sa akin ay mahalaga, bilang ako ay isang nanay na. Makikita sa documentary kung ano ba ang sakri­pisyo ng isang ina para sa isang anak?,” pahayag ni Marian.

Biglaan lang daw naisip ito nina Dingdong at ni direk Mike Tuviera, na okay naman kay Ma­rian na gawin nila roon kasama ang ilang OFW. “Parang last minute na dahil si Dong at direk Mike ang nag-usap diyan. Sinabi nila sa akin, sabi ko ‘why not.

“Pag pinanood nila ‘yun, mas makikilala nila ‘yung mga nanay nila. Mas ma-appreciate nila. Saka ito ‘yung parang sumuntok talaga sa akin, na parang iba talaga kapag nanay ka,” dagdag niyang pahayag.

Isa ito sa mga project ng film production ni Dingdong na Agosto Dos, na hindi naman daw niya mapapakialaman dahil hindi naman daw niya alam.  “Yung asawa ko yung Agosto Dos. Wala naman akong alam sa ganyan. Mahirap pumasok sa isang bagay na hindi mo alam,” bulalas niya.

Mas na-prioritize daw niya ang kanyang mga anak, at happy na siyang mag-asikaso sa kanyang pamilya. “Ang daming kailangang isipin, kasi may mga anak ako na mas kailangang ibigay ng prayoridad,” sabi pa ni Marian.

Samantala, balak pala ni Marian na isama ang Mommy niya na magpa-service sa Kamiseta clinic.

Sabi naman ng CEO ng Kamiseta Skin Clinic na si Ms. Cris Roque na maa-avail ni Marian ang lahat na services bilang siya nga ang only face ng Kamiseta Skin Clinic. “Marian can use all the laser machines there. Ang services na available sa clinic, of course open for her to use anytime she wants. We have certified doctors to take care of her,” sabi ni Ms. Cris Roque.

vuukle comment

ACTOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with