^

PSN Showbiz

Bida ng Crash Landing...ikinasal na!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Bida ng Crash Landing...ikinasal na!
Hyun Bin at Son Ye-jin.

Whooaa, kasal sina Hyun Bin and Son Ye-jin ng Korean drama na Crash Landing On You.

Pribado ang naging kasalan at dadalawa ang official photos ng kasalan na inilabas ng kanilang management group.

Ibang-iba sa mga ikinakasal na artista natin na mga naka-live streaming pa.

Anyway, naglabas ng statement ang talent agencies nila sa naganap na kasalan : “Today, actress Son Ye-jin and actor Hyun Bin will have a wedding and take their first steps as a couple. We ask for your understanding that the main ceremony will be held privately in consideration of the coronavirus situation, and we will inform you through the wedding photos of the two.

“We are deeply grateful for the many congratulations and warm support for the two of them on their new start. In the future, actors Hyun Bin and Son Ye-jin and their agencies will always do their best to repay the love you send.”

Wish lang ng fans na hindi sila matulad kina Song Joong-ki at So Hye Kyo, na pagkatapos ng kasal ay mabilis ding naghiwalay.

Trending ang nasabing kasalan lalo na sa Pinoy fans na tagos ang naging kilig sa kanilang tambalan sa Crash Landing On You.

Kahit nga sina Marian Rivera, Zsa Zsa Padilla, Lovi Poe at Kathryn Bernardo ay napa-react sa naganap na kasalan.

May pinalalabas na series ngayon si Son Ye-jin, ang Thirty-Nine na kuwento tungkol sa magkakaibigan. Ang ganda ng story pero ang lungkot dahil nang dumating sila sa edad 39 na single pa nagkaroon sila ng kanya-kanyang struggle.

vuukle comment

HYUN BIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with