^

PSN Showbiz

Janine at Paulo, hindi pikon!

YUN NA! - Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon

Kahapon ng past 10:00 a.m. (Thursday, past 7:00 p.m. Los Angeles, California time), dumating na sa Amerika ang grupo nina Ogie Alcasid, Paulo Avelino at Janine Gutierrez para sa OA sa Love in the USA concert tour.

Isa kami sa sumundo sa kanila sa Tom Bradley International Airport.

Natuwa sina Janine at Paulo dahil may mga Pinoy sa airport na lumapit sa kanila at nagsabing naging favorite nila ang Marry Me, Marry You romantic-comedy series nila sa ABS-CBN at sana nga raw ay masundan pa ‘yon ng isang proyektong sila pa rin ang magkatambal.

Si Ogie naman, nagsabing natutuwa siya at kasama niya sa trip na ‘yon ang nababalitang magkarelasyon.

Sa Alex Theater sa Glendale ang kick-off show nila at sa April 2 ang next show naman nila sa Sycuan Casino Resort & Spa sa San Diego at third and final show nila on April 3 sa Morongo Casino Resort & Spa sa Cabazon.
From the airport, tumuloy ang lahat sa Via Alloro Italian restaurant sa Beverly Hills na in-arrange ng promoter ng show, ang friend naming si Ms. Nathaly Stuessy.

Welcome dinner ‘yon at birthday celebration na rin ni Leo Dominguez, manager nina Ogie, Janine at Paulo with matching chikahan.

Eh, tumawag sa amin si Annabelle Rama, kaya itsinika ko sa kanya na katabi ko si Janine kaya tsinika-tsika ni Bisaya si Janine at nag-kumustahan sila.

Naloka si Janine dahil sa biro ni Bisaya na ‘honeymoon’ na nila ni Paulo ang trip nilang ‘yon. May nang-intriga nga naman kasi na magpapakasal na raw ang dalawa.

Tawa nang tawa si Janine sa biro ni Bisaya.

Si Paulo naman, tsumika rin kay Bisaya at nagbiro na maghahanap pa sila ng mayamang magiging ninang at magsusustento sa kanilang dalawa.

Ang saya lang ng ganoong tsikahan, Ateng Salve, dahil parehong hindi napipikon sina Janine at Paulo kapag binibiro.

‘Yun na!

vuukle comment

OGIE ALCASID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with