^

PSN Showbiz

‘Kris at Bongbong napagbati ko noon’

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
�Kris at Bongbong napagbati ko noon�
Kris at Bongbong
STAR/ File

Naawa naman ako sa bashing na tinanggap ng request ni Kris Aquino na ga­wing kulay dilaw ang puso ng pagbati sa kanya instead of red.

Wala naman sigurong malisya iyon, pero dahil red ang color ng Bongbong Marcos camp, doon naglagay ng malisya.

Bumalik tuloy sa isip ko ‘yung araw kung saan aksidente nagkita sa isang TV station sina Kris at Bongbong na kababalik lang ng pamilya mula abroad.

Buhay pa si Tita Cory Aquino noon pero nagawa kong pagbatiin sina Bongbong at Kris nang magkita sa TV station.

Big news iyon noon dahil nga first time nangyari, shocked pa nga si Tita Cory nang lumabas sa news, hah hah hah.

Kaya siguro naman walang ibig sabihin ‘yung request ni Kris, baka lang talagang color yellow o pink ang gusto niya para maiba lang.

Sobra nang stressed at payat ni Kris kaya huwag na nating dagdagan pa ng bashing. Pray na lang natin na maging happy siya dahil in fairness, naughty lang siya pero walang mean bone.

Isa nga siya sa pinaka-softhearted person na kilala ko, kaya no more bashing for her, spare her. Just pray for her.

Walang kumpetisyon…

Ito, mula sa puso ko, Salve, at siguro wish din naman ng marami nating kasamahan sa showbiz. Kung totoong maraming followers ang Take It! Take It! MeGanon?!, sana rin tangkilikin nila ang Showbiz Now Na nina Cristy Fermin, Morly Alinio at Rommel Chika.

Maganda ‘yung maraming showbiz na programa para maipakita pa rin natin na active at buhay na buhay pa rin ang showbiz. Saka hindi naman kumpetisyon ang dalawang show, friendly online show na hindi naman naglalaban sa rating o commercials, basta lang parang ginagawa lang nating breaker sa gitna ng pandemic ngayon.

vuukle comment

KRIS AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with