^

PSN Showbiz

Angelica, laging mukhang buntis

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Angelica, laging mukhang buntis
Angelica
STAR/ File

“Lagi namang mukhang buntis si Angelica (Panganiban),” sagot ng isang kausap ko sa phone kahapon.

Kumakalat nga diumano’y preggy na ang actress dahil sa mga IG story nito na mga throwback photos na may kasamang mga mangga.

Tahi-tahi ang kuwentong lumalabas dahil nga umayaw rin ang actress sa My Papa Pi na pagtatambalan sana nila ni Piolo Pascual. Napunta ang role niya kay Pia Wurtzbach. For airing na ito next week.

Pero ‘yun nga, naiisyuhan itong buntis dahil matagal na rin naman silang nagsasama ng boyfriend niyang si Gregg Homan sa Subic.

Well, kung preggy siya lalaki rin naman ang tiyan at hindi kailangang i-hide dahil given naman na nabubuntis ang isang babe kung may karelasyon at nagsasama sila.

Tiyak magkakaroon ito ng announcement sa social media accounts ni Angelica.

Actress, ‘di puwedeng basta-basta mag-post kaya walang nagbibigay ng luxury items

Hindi pala online shopper friendly ang isang sikat na actress.

Hindi raw kasi ito nagpo-post pag binibigyan mo para i-promote ang mga binebenta ng mga online seller / shopper.

Ang isang sample na kuwento – minsan daw ay binigyan ito ng isang online shopper na in all fairness ipinost nito pero sandali lang dahil sinita diumano ng mana­ger si actress kaya binura agad ito at hindi na uli ipinost ng actress.

Kaya tinatamad na raw ang ibang online shopper na bigyan ito kasi nga ‘di nagpo-post.

Hindi siya katulad ng ibang celebrity na masipag mag-post ‘pag may nagbibigay sa kanila.

Kung sabagay lampas 10 million ang followers ni actress sa IG kaya siguro hinihigpitan din ng manager at keri rin niyang gumastos sa mga luxury item kaya rin siguro hindi siya generous sa pagpo-post.

vuukle comment

ANGELICA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with