^

PSN Showbiz

Max, bibida sa misis na inasido!

Kimberly Vedad - Pilipino Star Ngayon
Max, bibida sa misis na inasido!
Max.

MANILA, Philippines — Bibida si Max Collins sa fresh and brand new episode ng #MPK na mapapanood ngayong gabi.

Gagampanan ng actress lang isang acid attack victim sa new episode ng real life drama anthology na Magpakailanman.

Pinamagatang Asido sa Kamay ng Asawa, bibigyang-buhay ni Max ang kuwento ni Jasmine, isang misis na masisira ang mukha dahil sa asido.

Mismong asawa pa niya ang gumawa ng karumal-dumal na krimeng ito sa kanya.

Kasama ni Max sa episode si Kapuso actor Martin del Rosario na gaganap bilang asawa niyang si Brando at si Lovely Rivero na gaganap naman bilang nanay niya.

Ibinahagi nina Martin at Lovely ang mga saloobin nila tungkol sa kuwento ng episode sa ginanap na Kapuso Brigade Zoomustahan noong Feb. 9.

“Nakita namin ‘yung pictures. Nakita namin ‘yung video. Noong nangyari na ‘yung trahedya, nai-video nila. Talagang matindi ‘yung ginawa noong lalaking ‘yun. Bilang ina, talking from the pers­pective of my character, talagang kulang na lang mapatay mo talaga ‘yung lalaking ‘yun,” pahayag ni Lovely sa interview ng GMA 7.

“Kahit hindi ko nakausap, ramdam mo sa litrato pa lang ‘yung pinagdaanan noong pamilya. Makikita mo sa litrato, sa video, talagang hindi biro ‘yung pinagdaanan nila,” dagdag niya.

Ayon naman kay Martin sakaling makilala niya ang tunay na Jasmine, may mensahe raw siya para sa kanya.

“Ang masasabi ko lang kung mami-meet siya, huwag siyang mawalan ng pag-asa. Alam ko depressing, nakaka-trauma ‘yung ganoon experience, ‘yung all of a sudden nagbago ‘yung itsura mo, nagbago ‘yung buhay mo. And advice ko sa kanya, huwag siyang mawalan ng pag-asa. Lahat ng mga pangarap niya na gustong marating, ituloy niya lang,” pahayag ng aktor.

Abangan ang Asido sa Kamay ng Asawa, Feb. 12, 8:00 p.m. sa #MPK hosted by Mel Tiangco.

Janine, papalit na host sa PBB?

Si Janine Gutierrez nga ba ang papalit kay Toni Gonzaga as host ng PBB?

Chika lang naman at wala pang confirmation.

Pero ito ang kumakalat kahapon sa social media.

At yes ang sagot ng maraming netizens. Favor sila.

So aabangan ba natin ito?

Vivamax, no. 1 na!

Patuloy na namamayagpag at pag-achieve ng iba’t ibang milestones ang no. 1 streaming platform ngayon sa Pilipinas, ang Vivamax. Sa selebrasyon ng kanilang unang anniversary pa lang noong Jan. 29, 2022, gold standard na agad ang Vivamax sa paglago ng digital entertainment.

Noong nakaraang taon, nagkaroon ito ng 14 million views.

Sa rami ng mapapanood sa Vivamax, nahiyakat nito ang viewers na mag-subs­cribe at nagkaroon na ng 2.5 million users sa unang quarter pa lang ng 2022.

At malamang mas lumago pa ito, dahil ngayong taon, dalawa na ang ilalabas na bagong titles nila linggu-linggo.

Pwede ring mapanood ang Vivamax sa mas maraming pang bansa gaya ng – United States, Canada, Italy, Spain, United Kingdom, Germany, Norway, France, Sweden, Netherlands, Belgium, Switzerland, Saudi Arabia, UAE, Kuwait, Qatar, Bahrain, Oman, Jordan, Lebanon, Israel, Egypt, Turkey, Australia, Brunei, Hong Kong, Indonesia, Japan, Korea, Macau, Malaysia, Maldives, New Zealand, Singapore, South Korea, Taiwan, Thailand, at Vietnam.

Ni-launch naman noong huling quarter ng 2021, sa Vivamax Plus unang mapapanood ang mga pinakabagong Vivamax Original movies, mga digitally-enhanced classics mula sa daan-daang pelikula ng Viva Films, newest blockbusters mula sa  Korea at Hollywood, mga concert specials mula sa Viva Live, at marami pang iba.

Lahat ng ito, mapapanood in 4K resolution.

MMK, pinuno ng kilig

Puno ng kilig ang mararamdaman ng mga Kapamilya sa bawat Sabado ng Pebrero sa iba’t ibang kwento ng pag-ibig na handog ng MMK. 

Isang kwento ng pagmamahalan na nagsimula sa Facebook ang pagbibidahan nina Kit Thompson at Jane Oi­neza sa Pebrero 12 na idinirehe ni Jerome Pobocan. Hindi na nag-alangan si John (Kit) na mag-add ng mga babaeng ‘di niya kilala sa kanyang Facebook account sa pag-asang maha­hanap ang kanyang true love. Hindi naman siya nagkamali dahil makikilala niya rito si Jane na siyang magiging nobya niya. Alamin kung anu-anong pagsubok ang kanilang haharapin.

Bibida naman ang kinagigiliwang loveteam na sina Karina Bautista at Aljon Mendoza sa MMK sa Pebrero 26 bilang sina Theza at John. Idinirehe ni Raz dela Torre, magsisilbing inspirasyon sina Theza at John na hindi hadlang ang pagkakaiba ng estado nila sa buhay para sila ay magmahalan.

Makaka-relate naman ang mga kabataan sa classic love story ni Natasshia (Eliza Pineda) at ng kanyang crush. Kahit walang karanasan sa relasyon, gagawin ni Natasshia ang lahat para mapansin ng kanyang minamahal. Alamin kung magtagumpay siya rito sa Pebrero 19.

Panoorin ang MMK sa Kapamilya Channel, A2Z, Kapamilya Online Live YouTube channel, ABS-CBN Entertainment Facebook page, at iWantTFC.

vuukle comment

MAX COLLINS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with