^

PSN Showbiz

AJ, ayaw nang pag-usapan si Aljur

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
AJ, ayaw nang pag-usapan si Aljur
AJ
STAR/ File

Ayaw nang magsalita ni AJ Raval tungkol sa kanyang lovelife o nag-iingat na siya ngayon sa mga sinasabi.

Kasi nga raw parang pakiramdam niya, nami-misinterpret siya lalo na nga at nasanay siyang mga lalaki ang kasama.

“Kasi po iba po ako makipag-bonding sa mga kaibigan ko, sa mga friend, ko lalo na po ang mga kaibigan kong lalaki kasi one of the boys po ako eh.

“Ang kinalakihan ko po puro lalaki. Mga kapatid ko puro lalaki, mga pinsan ko, lumaki ako sa tatay ko so parang mas ano ako sa pagiging lalaki.

“Parang hindi ako masyadong feminine gusto ko talagang mga kaibigan mga lalaki. So nami-misinterpret yun ng ibang tao.

“Well ngayon hindi rin naman ako nag-iingat eh kasi wala rin akong dapat ingatan sa mga pakikipag kaibigan ko kasi yun ako eh, doon ako masaya e. So yun lang ‘di po ako nag-iingat,  wala po akong iniingatan sa pakikipag-kaibigan ko,” sagot ng sexy star, na muli na namang masisilayan ang kaseksihan sa bagong niyang karakter na si Elle sa pelikulang Crush Kong Curly, sa ginanap na media conference nito kahapon.

Naging kontrobersyal ang relasyon nila ni Aljur Abrenica kamakailan lang.

Anyway, gaganap siya rito na dating ugly duckling na na-bully ng kanyang mga kaklase, inayos ni Elle ang kanyang sarili hanggang sumikat siya bilang vlogger. Naniniwala siyang sex is power kaya dito umiikot ang kanyang mga vlog. Lagi siyang trending dahil kasing-kulot ng kanyang buhok ang kanyang imahinasyon at passion for sex positivity.

Lahat ng pagsisikap niya ay para sa kanyang pamilya at gusto niyang bigyan sila ng dream house. Suportado naman ng mga kaibigan niya ang kanyang kabaliwan.  Minsan nang na-heartbroken si Elle, ngunit handa naman siyang buksan ang puso para sa “the one”.

Habang hindi pa dumarating ang lalaking iyon, open legs na lang muna si Elle sa kanyang mga video. At sa ganong itsura nga siya unang nakita ni Peter na gina­gampanan ni Wilbert Ross.

Ang Crush Kong Curly ang unang rom-com movie ni AJ matapos ang tagumpay ng pinagbidahan niyang psychedelic, erotic thriller na Taya at comedy na Shoot! Shoot! ni Andrew E.

Nakasama niya si Wilbert Ross sa Shoot! Shoot!, ngunit ito ang unang full-length movie na sa kanila mismo umikot ang kwento.

Ito ay mula sa direksyon ng award-winning director na si GB Sampedro at sa panulat ni Conn Escobar.

Para mapanood ang Crush Kong Curly, mag-subscribe sa Vivamax sa web.vivamax.net.

vuukle comment

AJ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with