^

PSN Showbiz

Male singer-TV host, tsugi sa nilipatang programa!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Nagbitiw na pala sa isang pang-araw-araw na programa ang isang kilala at magaling na male singer-TV host. Maligalig ang kuwento kung bakit, nagtatapyas na naman pala ng budget ang show, at ang pamosong male singer ang pinagdiskitahan ng produksiyon.

Kuwento ng aming source, “Una, nag-offer muna ang production para sa pagbabawas ng araw sa show ng male singer. Magiging three days na lang ang exposure niya sa isang linggo.

“Hindi pumayag ang male singer, kaya mas ginusto na lang niyang umalis, para nga naman kasi siyang iniinsulto, samantalang nakapagdedeliber naman siya sa programa,” unang paliwanag ng aming impormante.

Sangkot na naman sa isyu ang kumabilang-bakod na namamahala sa programa. May dahilan pala kung bakit nito pinuntirya ang kilalang male singer.

Patuloy ng aming source, “Alam kasi ng power-tripper na humahawak sa show na ayaw sa kanya ng male singer. Nayayabangan siya du’n sa kararating lang sa show.

“Natural, nakarating ‘yun sa maangas na creative head, kaya nu’ng makakita siya ng butas, ang male singer ang napuruhan!

“Actually, marami namang hosts ng show na nayayabangan sa bago nilang kasamahan pero hindi lang nagasalita. Natatakot kasi silang mawalan ng trabaho!

“E, ‘yung male singer, talagang diretsong magsalita ‘yun, hindi siya natatakot magsalita, ganu’n na talaga siya kahit nu’ng baguhan pa lang siyang singer.

“Nu’ng dumating sa show ang maangas na direktor-creative consultant, talagang nagsasalita ang male singer na ayaw niya sa mga taong mayabang!

“E, nagkakatapyasan na naman sila ng budget, hindi na kinakaya ng production ang gastos, kaya kundi sila magbabawas ng tao, ang exposure ang babawasan nila!

“Hindi pumayag ang male singer sa gustong mangyari ng production, kaya ayun, umalis na lang siya sa show! Natupad ang matagal nang gustong mangyari ng creative consultant na mawala siya sa show!

“Ang balita nga, e, tumatagilid na ang barko ng daily show. Nakakaloka ang maangas na kumabilang-bakod! Siya ang unang lumundag nu’ng palubog na ang barko ng pinanggalingan niyang show, heto na naman, palubog na rin ang nilipatan niyang programa!” napakadiing pagtatapos ng aming impormante.

Ubos!

BB, ‘di pa rin maayos ang relasyon sa mga kapatid

Ano kaya ang nakain ni BB Gandanghari para upakan uli ang manunulat-manager-vlogger na si Ogie Diaz? Matagal nang ininterbyu ni Ogie si Robin Padilla sa kanyang You Tube vlog pero bakit ngayon lang nagbibigay ng reaksiyon ang dating Rustom Padilla?

Maganda ang daloy ng panayam, nu’n din inamin ni Robin na hiwalay na nga sina Aljur Abrenica at Kylie Padilla, at meron daw third party sa hiwalayan.

Kung tutuusin ay napasadahan lang naman nina Robin at Ogie ang paksa tungkol kay BB Gandanghari, hindi nila tinutukan ‘yun, saka positibo naman ang mga binitiwang kuwento ni Robin tungkol sa kanyang kapatid.

Walang dapat ikagalit si BB, binigyang-katwiran pa nga siya ni Robin tungkol sa kanyang sitwasyon ngayon, hindi siya siniraan ng nakababata niyang kapatid.

Pero hindi nagustuhan ‘yun ni BB, pinagtsismisan daw siya nina Robin at Ogie, kung meron daw gustong sabihin si Binoe ay bakit hindi na lang siya kausapin nito?

Galit si BB, sinungaling daw si Ogie, hinding-hindi raw niya tatantanan ang manunulat-manager-vlogger. Bakit kay Ogie nagagalit si BB samantalang nagbato lang naman ito ng tanong kay Robin tungkol sa relasyon nilang magkapatid?

Kung sana’y si Ogie ang nagmagaling na nagkuwento tungkol sa kanya? Si Robin ang nagkuwento, hindi si Ogie, tanong lang ang naging partisipasyon ni Ogie.

Nagagalit siya kay Robin sa pakikipagkaibigan nito kay Ogie. Dapat daw iwasan ni Binoe ang sinungaling na si Ogie, sabi pa niya, talagang apektado si BB Gandanghari.

Tuloy ay lumalabas ang katotohanan na hindi pa rin pala sila maayos ng kanyang mga kapatid. Si Mommy Eva lang pala ang regular niyang nakakakumustahan.

Wala kay Ogie Diaz ang problema, nasa kanilang magkakapatid, ‘yun na lang sana ang tutukan ni BB para maging maayos ang kanilang relasyon.

vuukle comment

BB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with