^

PSN Showbiz

Lani, sumakit na naman ang dibdib sa bagong pagsubok!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Lani, sumakit na naman ang dibdib sa bagong pagsubok!
Lani
STAR/ File

Bukod sa naging disability sa meningitis..

Healthy looking na uli si Lani Misalucha.

At nakapagpa-bakuna na rin siya kontra COVID-19.

Sa kanyang post ay pinasalamatan niya ang QC government sa maayos na sistema ng pagbabakuna sa nasabing lungsod na pinamumunuan ni Mayor Joy Belmonte. “Salamat po Panginoong Diyos Ama sa pagkakataon na mabakunahan na ako at si Papa Nols (husband niya). Maraming salamat po sa lungsod ng Quezon City at naisakatuparan ito sa pamamagitan ng maganda at maayos na sistema ninyo sa pag bigay ng bakuna sa mga tao.

“Maraming salamat din po sa mga doctors, medical staff at mga volunteers na tumutulong sa paga-assist sa mga tao na nag-aantay para matanggap ang kanilang bakuna. Hindi po biro ang mag-asikaso ng mahigit isang libo, minsan dalawa, tatlonglibo araw araw ang dumadagsa na tao para magpabakuna., Kudos at mabuhay kayo #quezoncity.”

Tuluy-tuloy ang bakunahan sa QC at marami nang mga artista na kasama sa A4 category ang naturukan na, kabilang na ang mga nag-register sa Bakuna Nights para sa Film at Entertainment Workers, na partnership between the Film Development Council of the Philippines (FDCP) and Quezon City (QC) Government’s #QCProtekTODO program.

Anyway, maalalang hindi basta-basta ang pinagdaanang sakit ni Lani at ng kanyang asawa na bacterial ­meningitis.

At sa isang post niya the other day, bukod pala sa butas-bulsa ang pagkakasakit nila ng kanyang mister, may isang sumunod pang pagsubok na nagpasakit daw sa kanyang dibdib ayon sa Asia’s Nightingale.

Iba pa raw ‘yun sa gastos sa kanilang tinitirhang building at sa pagiging bingi niya. “Recently napakaraming bagay na umiikot ikot at nagpa­pagulo sa isip ko (o siguro hormones ko lang to). Siguro dahil ang daming mga nangyari, isa na dun ang nagkasakit at na-ospital kami ni Papa Nols last year (at nag iwan pa ng disability sa amin) pero bago pa kami ma-ospital ni Papa Nols a little over a month before that si Papa Nols muna ang na hospitalized dahil sa kanyang triple bypass. Syempre pag may mga ganyang hospitalization (St. Luke’s BGC pa) mayron din nabubutas na bulsa. Pero pera lang ‘yun kikitain pa naman uli yun. Pero may sumunod pang pagsubok na napaka-sakit sa dibdib. Di ko na lang isusulat kasi nakaka-lungkot nga eh. Basta sunud-sunod! Ang daming ganap!

“Tapos hanggang ngayon may mga palpak pa na kailangan i-fix dito sa building na parang hindi matapos tapos ang pag re-repair. Syempre pag may mga ganyang i-re-repair ibig sabihin nun gastos diba. Aaarrrrggghhh!!!! Meron mga ire-repair tapos bingi ka pa. (Hahaha!!! ???? Ano koneksyon ng pag repair at pagka bingi?),” ang mahabang post nito na wala raw koneksyon sa photo na ginamit niya basta nag-invite siya na manood ng All Out Sundays kung saan siya napapanood.

Last May ay inamin ng Asia’s Nightingale na hindi pa siya totally recovered sa bacterial meningitis at mister na si Noli nang nagbalik-concert siya with Martin Nievera. “Ngayon, mas matindi na ‘yung pagkabingi ng husband ko, mas malala na. Ako, nagkaroon ng kaunting improvement but my right ear is deaf. ‘Yung nare-receive niyang whatever sound na papasok sa right ear ko was all just scratches,” pag-amin ng mahusay na singer sa virtual media conference para sa naganap na concert nila ng Concert King na si Martin last May.

vuukle comment

LANI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with