^

PSN Showbiz

Andrea, no comment pa sa tambalan nila ni John Lloyd

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Andrea, no comment pa sa tambalan nila ni John Lloyd
Andrea

Magandang balita nga na ipu-produce ni Willie Revillame ng sitcom si John Lloyd Cruz kung saan makakasama raw si Andrea Torres.

Maganda rin kasing sa pagbabalik-showbiz ni Lloydie ay sa GMA 7 siya mapapanood. Special guest daw siya sa special event ng 6-6 Shopee Super Mega Fiesta na gaganapin sa Araneta Coliseum sa June 6.

Ibinahagi ni Willie ang magandang balitang ito na kung saan ay pumirma sa kanya si Lloydie ng  guesting niya sa naturang event.

Pero kasabay nito ay ibinalita na rin ng Wo­wowin host na gusto niyang magsama sa isang sitcom sina John Lloyd at Andrea.

Sinadya ba talaga itong magkaroon ng switching, dahil sa relasyong Derek Ramsay at Ellen Adarna?

Hiningan ko ng reaksyon si Andrea kaugnay dito, pero hindi pa siya nakasagot, dahil na sa lock-in taping pa ito ng Legal Wives.

Pero kung matutuloy ito, magandang balita talaga ito sa taong 2021, dahil hinihintay na rin kung matutuloy ang pagiging Kapuso ni Bea Alonzo.

Wala pa kaming update kaugnay dito, pero inaasahan na rin ng mga taga-GMA 7 na sana matuloy na si Bea.

Kung may Sunshine Dizon at Janine Gutierrez na pasabog ang Kapamilya network, maganda ring may Bea Alonzo at John Lloyd Cruz na buwelta ang Kapuso network.

Ang isa pang lumulutang uli na kuwento ay ang posibleng paglipat daw ni Ejay Falcon sa GMA 7. Pero sagot sa akin ng manager ni Ejay na si Perry Lansigan ng PPL Entertainment ay “hindi pa.”

Magandang aktres na tatahi-tahimik may bagong kotse na galing daw sa pulitiko

Usap-usapan ngayon ang pagkakaroon ng bagong Alphard van ng isang magandang aktres.

Tumaas ang kilay ng iba bakit may ganun na siya kamahal na kotse. Hindi pa rin naman nasisimulan ang malaki niyang project kundi isinama lang siya sa isang sikat na teleserye.

Na-check ko sa Google, halos 4M ang halaga ng naturang brand ng sasakyan.

Hindi ba kayang bilhin ‘yan ngayon nitong magandang aktres?

Ang tsismis kasi, tahimik lang daw itong si magandang aktres pero suportado raw ng isang kilala at napakayamang pulitiko.

Wala kaming ideya kung sino itong pulitiko, dahil takot sabihin sa akin ng aking source.

Basta tsismis pa lang naman daw iyon, dahil kagulat-gulat daw ang pagkakaroon niya ng mamahaling kotse.

Pero sa totoo lang, kaya naman na niya sigurong bumili ng ganun kamahal na kotse, dahil may regular naman siyang kinikita.

Pero malay nga naman natin, may iba talagang kilalang artista diyan na tatahi-tahimik lang, pero ang bongga na nang na-invest dahil sa pakikipagrelasyon sa mayayamang tao.

vuukle comment

JOHN LLOYD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with