^

PSN Showbiz

Magkapatid na aktres, nakakaloka na magkaiba ang ugali!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Palaging nagdurusa ang mga artistang may kapatid na artista rin. Lagi kasi silang pinagkukumpara. Pilit silang pinagsasabong kahit pa isang sinapupunan lang naman ang kanilang pinanggalingan.

Maraming magkakapatid na artista. Mas marami ang babae kesa sa lalaki. Natural lang na may mas nakaaa­ngat at meron ding napag-iiwanan.

Kuwento ng aming source, “May magkapatid na artistang napakalaki ng pagkakaiba ng ugali. Kung masayahin ang mas matanda, simangutera naman ang kanyang kapatid.

“Kung madaling kausap si ate, marami namang kuda ang mas nakababata. Tuloy, palaging nagsa-suffer in comparison ang young girl sa ate niya,” unang hirit ng aming impormante.

Naaalala pa hanggang ngayon ng isang grupo ng production people ang naengkuwentro nilang karanasan sa mas nakababatang aktres.

Patuloy ng aming source, “Tapos na ang taping niya nu’n, pero may kailangan pa siyang gawing voice-over. Siya ang main host, kaya boses niya ang kailangang marinig, pero hindi niya ginawa.

“Ang sinabi niya, ‘I’m done. Wala sa usapan ‘yan. I have to go.’ Naloka ang production staff, of course, dahil sa isinagot ng main host ng show!

“Hinabol pa siya ng isang staff, pilit siyang pinakiusapan dahil for airing na ang episode na ginawa nila kinabukasan. Pero ganu’n pa rin ang desisyon niya.

“Ang sinabi niya sa nakikiusap na staff, ‘No, I’m not doing that VO, I have a commitment somewhere pa. Saka hindi ako si ____(pangalan ng isang kilalang singer-actress na palaging nagbo-voice over ng mga materyales sa kanyang show)!’

“Nakakaloka! Konting trabaho lang na para rin naman sa show niya, pero hindi pa niya pinagbigyan ang staff? At sinabi niya ‘yun nang umiirap-irap pa siya!” napapailing na kuwento ng aming source.

Napakalayo nga ng ugali niya sa kanyang ate na napakadaling katrabaho. Mismong ang mga kasamahan nito ang nagsasabing mabait at madaling kausapin ang nakatatandang aktres.

Panghuling komento ng aming source, “Kaya naman tingnan n’yo, malayo ang narating ng ate niya, panalung-panalo ang mga pinagbibidahang pelikula! Panalo rin sa TV, maraming pumupuri sa kanya!

“E, itong si Simang? Maraming hindi nagkakagusto sa kanya, ilag sa kanya ang mga katrabaho niya, dahil parang palagi siyang nakakaamoy ng kung anong mabaho sa pagsima-simangot niya!” pagtatapos ng aming impormante.

Ubos!

Coco maraming pinalulutang na power

Bukod sa First Yaya ay hindi rin namin pinalalampas ang dalawang makabuluhang serye na napapanahon ang ikot ng istorya. Pandemya ngayon, napakahalaga ng pag-asa at pananampalataya, kaya lagi nating sinasabing walang bibitiw at hawak pa nang mahigpit.

Una ay ang Niña, Niño na pinagbibidahan nina Maja Salvador at Noel Comia, Jr. Tungkol sa himala ang ikot ng kanyang istorya. Magaling talaga si Maja sa kahit anong papel na ginagampanan niya.

Pagkatapos ng First Yaya ay lipat na agad kami sa Huwag Kang Ma­ngamba. Himala rin ang tumbok ng kuwento, ang pagpapakita ni Bro kina Mira at Joy, na winawasak naman ng kampo ni Eula Valdez.

Sa mga panahong ito na laganap ang kahirapan at panglilipol ng COVID-19 ay mga ganu’ng klase ng palabas ang kailangan nating tinututukan. Tumitibay ang ating pananampalataya at nalalanghap natin ang pag-asa.

Mahuhusay umarte sina Francine Diaz at Andrea Brillantes, kasama pa nila sa halos lahat ng mga eksena ang napakanatural umarteng town idiot na si Sylvia Sanchez bilang si Barang, tapos na ang episode ay naghahanap ka pa ng kanilang mga eksena.

Panalung-panalo ang panggabing bloke ng TV5 na nagsisimula sa Frontline Pilipinas nina Raffy Tulfo at Cheryl Cosim, sila ang pinakaunang nagbabato ng mga balita ngayon, na sinusundan ng Sing-Galing na sa totoo lang ay magagaling ang mga kalahok.

May kilig ang First Yaya nina Gabby Concepcion at Sanya Lopez, magaang panoorin pagkatapos nang maghapon nating pagtatrabaho at pamomroblema dahil sa pandemya, hindi nakagaganda sa pinapasan nating krus ngayon ang seryeng puro barilan at paghihiganti ang laman.

Sabi ni prop, “Pareho tayo, pati ang mga kaibigan ko, ni­lulundagan namin ang serye ni Coco Martin na wala na yatang planong tapusin, puro galit at pagpapalutang ng power ang ikot ng istorya, hindi ‘yun makapagpapagaan sa mga problema natin ngayong naghihirap ang buong mundo dahil sa pandemya!”

Tama! Happy hormones lang tayo, chillax lang, tanggalin ang mga nega sa ating buhay.

vuukle comment

COCO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with