^

PSN Showbiz

Erwan, nagbigay ng $2,000 sa pantry!?

Jun Nardo - Pilipino Star Ngayon

Totoo ­kayang nag-donate ng US $2,000 si Erwan Heussaff, asawa ni Anne Curtis, sa Maginhawa Community Pantry na in-organize ni Patricia Non?

Ayon sa interview ng isang opisyal ng pamahalaan, may niri-raise umano na pera in dollars para sa pantry niya.

May nakalkal ang isang netizen sa Twitter na amount transfer ng isang tao sa Community Pantry PH. Pangalan ni Erwan ang nagbigay ng 2K USD.

Eh nang itsek namin ang Twitter at Instagram account ni Erwan, wala siyang post tungkol sa community pantry at donasyon niya.

Kung nag-donate nga si Erwan, well and good!

Pagdating kasi sa donasyon, tahimik lang ang karamihan sa artista sa ibinibigay nila.

James, hanggang social media lang kay Bimby

Idinaan na lamang sa social media ang pagbati ng basketbolistang si James Yap sa anak niya kay Kris Aquino na si Bimby sa nakaraang kaarawan ng bata.

Nasa poder ni Kris si Bimby ng ilang taon na. Alam naman ninyo ang love story nina Kris at James, huh!

May sarili na ring pamilya si James ngayon. Pero nangingibabaw pa rin sa kanya ang pagmamahal sa panganay na anak.

Naku, buti na lang may social media na ngayon or else, hindi maipararating ni James ang pagbati sa anak, huh!          

vuukle comment

PATRICIA NON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with