^

PSN Showbiz

John Lloyd, ima-manage ni Maja?!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

Magpapasabog na si Maja Salvador ng kanyang binuong talent management company na Crown Artist Management na siya na ring nagma-manage ng kanyang showbiz career.

Sa susunod na buwan ay ilulunsad na raw ng Crown ang artists na hahawakan nila. Ayaw muna nilang magbigay ng ideya kung sino ang mga ito, pero ang isa sa narinig naming ima-ma­nage nila ay si John Lloyd Cruz.

Isang kaibigan naming naka-text si Lloydie at mukhang ang Crown ni Maja na nga raw ang magha-handle ng kanyang career. Hindi lang nila ma-confirm sa ngayon, at hindi rin masabi kung buong showbiz career ba ng aktor o endorsements nito.

Tinanong ko ang boyfriend ni Maja na si Rambo Nuñez na bahagi rin ng board of directors ng management ni Maja. Sabi niya sa akin sa messenger; “Sorry po but we cannot disclose any artist yet. Pero (meron) kami scheduled announcement hopefully around mid April kung sino po ang nasa pool namin.”

Sa ngayon ay naka-focus muna si Maja sa pagsisimula ng bagong teleserye niya sa TV5 ang Niña Niño na papalit sa timeslot ng Paano ang Pangako bago mag-Ang Probin­syano.

Angeli at dalawang staff na-COVID, Gary V. iniingatang mahawa

Dasal pa rin talaga ang hinihingi ng lahat para sa mga kaibigan natin sa showbiz na nakikipaglaban sa COVID-19. May ilang nababalitaan naming nasa hospital na raw ngayon, at medyo malala na ang kalaga­yan, kaya patuloy ang paghingi ng dasal na malagpasan nila ito.

Kahapon ay nag-post ang talent manager na si Angeli Pangilinan-Valenciano sa kanyang Instagram account na positibo siya sa COVID-19 kasama ng dalawa pa nilang staff sa bahay sa Antipolo kaya nag-isolate sila at nag-iingat na mahawa ang iba pang kasamahan lalo na si Gary Valenciano na may comorbidities.

Sabi ni Angeli sa kanyang IG post; “Guess why I posted this? Here I am isolated because I am Covid positive. I should be afraid right? But I am married to a man who has had Type1 diabetes for 42 years. Who has had multiple seizures due to hypoglycemia. Hepatitis. Orthroscopic surgery on his knees. Tuberculosis. Cardiac double Bypass / open heart surgery. Kidney cancer. Partial nephrectomy surgery. Whew. So having gone through all that with him, I know that this is just another trial that we will overcome together.

“And I had a scoliosis spine surgery in Hong Kong in 1986. They implanted two rods on my spine. Excruciating pain. So this is just another hurdle that I know I will leap over! Love you all. ”I can do all things through Christ who strengthens me.” Philippians 4:13 Please pray that Gary doesn’t get it. I don’t mind getting it for as long as he is spared from this disease.BY HIS STRIPES I AM HEALED! P.S. please pray for the healing of Yaya Myra and Vince too - our staff”

Buhos naman ang dasal at inspiring na mensaheng ipinarating kay Angeli at sa buong pamilya.

Dalawang staff ng Paano..., nagpositibo rin

Nakakatakot na nga talaga ngayon ang panahon na hindi na makontrol ang pagtaas lalo ng COVID cases, halos lahat nang tapings ay nararanasan nang may nagpa-positive na involved sa produksyon.

Ikinuwento nga sa amin ni direk Perci Intalan ang experience nila nitong mga huling cycle ng taping nila ng Paano ang Pangako.

Nagkaroon din ng insidenteng natigil ang taping nila dahil sa merong dalawang staff na nag-positive sa set. “’Yung protocol kasi namin ‘yung positive i-test namin three times just to be sure. Tapos ihahatid ng ambulance pa-Manila. So tinest na lahat,” bahagi ng kuwento ni direk Perci sa nakaraang virtual mediacon nila kay Adrianna So na kasama na sa teleseryeng ito.

Mahirap daw talaga nu’ng panahong iyon dahil kailangang i-test silang lahat. Sagot nila ang lahat na naka-quarantine nang ilang araw bago bumalik sa taping. “Kaya naintindihan ko ang ibang produksyon na tumitigil ng taping kasi wala kang choice kundi tumigil. In our case sa Paano nag-test kami twice, antigen at RT PCR. Just to make sure na negative ang dalawa. ’Yung ano namin… inalalayan na lang namin ‘yung mga nag-positive kasi grabe rin naman talaga ang pinagdaanan nila,” dagdag na saad ni direk Perci.

Kaya nitong mga huling taping nila, sobra silang nag-iingat at talagang binabantayan sila ng health officer na nakatalaga sa kanilang set.

“Mas careful na kami talaga ngayon,” pakli ni Adrianna. “Nakakapraning talaga. Iba na talaga ‘yung times ngayon eh. Kaya si direk Perci very thankful na it’s over na. Ingat lang talaga basta huwag lang maging komportable. Hindi maging complacent sa set,” dagdag na pahayag ni Adrianna na mapapanood na ngayong gabi sa Paano ang Pangako bilang ang kontrabidang si Andi.

vuukle comment

JOHN LLOYD CRUZ

MAJA SALVADOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with