^

PSN Showbiz

Serye nina Maris at Kokoy, may Book 2 rin

YUN NA! - Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon
Serye nina Maris at Kokoy, may Book 2 rin
Maris at Kokoy

Sa January 4 na pala ang start ng Book 2 ng Paano Ang Pasko? ng TV5 at magiging Paano Ang Pangako? na ang title.

Ang role pala ni Bing Loyzaga ay lola ng cha­racter ni Elijah Canlas at ang role roon ng former Eat Bulaga co-host na si Julia Clarete ay nanay ni Elijah.

“’Yung banggaan nina Julia at Bing, grabe. Pati sina Maricel (Laxa), Beauty Gonzalez makakabangga rin nila at kasama na rin si Karel Marquez (bilang daughter-in-law ni Bing), kaya mas exciting!” sey ni Direk Perci Intalan.

Sina Bing at Karel daw ang mga kontrabida noon sa Babaeng Hampaslupa na pinagbidahan ni Alex Gonzaga.

‘Yung aktor na gaganap sa flashback scenes bilang tatay ni Elijah ay ikinuwento na sa akin ng isa sa produ­cers at directors ng series na si Perci pero nakiusap siya na huwag munang i-reveal ‘yon.

Pasok din si Miles Ocampo sa cast at pag-aagawan siya ng characters nina Elijah at Kyle Velino (na new cast din).

Ang bongga lang dahil sa Gameboys BL (boys’ love) series sa Facebook page ng The IdeaFirst Company, ang character naman ni Kokoy de Santos ang pinag-agawan ng characters doon nina Elijah at Kyle, at least sa TV5 series, babae naman ang pag-aagawan nila!

Anyway, like Paano Ang Pasko?, may Book 2 rin ang weekly sitcom ng TV5, ang Stay-In Love nina Maris Racal at Kokoy with Ruffa Gutierrez and Bobby Andrews.

So kung busy si Elijah, busy rin ang ka-“love team” niyang si Kokoy, huh!

Bongga!

Martin at Pops, magkasama rin sa New Year

May show noong Sunday night sa Balesin Island ang ex-couple na sina Pops Fernandez at Martin Nievera.

Para ‘yon sa ilang mga guest sa nasabing membership luxury resort.

Sey ni Pops, matindi ang health and safety protocols na pinatupad sa kanilang show. “Since done na ‘yung show, officially, vacation starts today,” sabi ng Concert Queen nang maka-chat ko kahapon.

Gabi-gabi halos ay may show sa Balesin Island at ilan sa mga naroroon ngayon ay ang mag-asawang KZ Tandingan at TJ Monterde, Rachel Alejandro, Randy Santiago, ang bandang Mojofly at iba pa.

Si Martin naman, may New Year’s countdown pang gagawin.

Samantala, sabi ni Pops, very fun naman daw ang stay nila sa Balesin Island at, “At least, we’re welcoming the New Year together (sila ni Martin at kanilang mga anak na sina Robin and Ram plus Santino and their family and friends)!”

Oh, wow, so nice! ‘Yun na!

vuukle comment

MARIS RACAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with