^

PSN Showbiz

Bea at Piolo, may ibang manager na

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Bea at Piolo, may ibang manager na
Piolo

Kumalat noong nakaraang Linggo ng gabi ang usap-usapang si Shirley Kuan na ang bagong manager ni Bea Alonzo.

Dati ay mga commercial ang hawak nito para kay Bea, kasama pa sina Coco Martin, Jodi Sta. Maria at iba pang taga-Star Magic. Pero ngayon ay siya na raw ang magma-manage ng showbiz career ni Bea.

Tapos na ang kontrata nito sa Star Magic, pero meron pa raw natirang kontrata sa ABS-CBN 2. Kaya sa mga susunod na inquiry sa aktres ay kay Shirley Kuan na dapat dumiretso.

May ilan na ngang stars ng Star Magic ang umalis na rin, magmula nang umalis si Mr, Johnny Manahan. Isa nga sa narinig namin ay ang Cornerstone na raw ang magha-handle kay Piolo Pascual, pero wala pa silang kumpirmasyon kaugnay dito.

Ang isa pa kasing usap-usapang nakara­ting ay may mga ilang stars na rin daw ng Star Magic ang maa­aring mabigyan ng programa sa GMA 7.

Wala pang mga pangalang nabanggit, pero ang Star Magic pa rin daw  ang magha-handle kung sakaling magkaroon sila ng programa sa Kapuso network. Bukod sa GMA 7, ay marami pa raw ipu-produce na programa para sa GMA News TV.

May ilang programa na raw ang hindi ma-accommodate ng GMA 7 kaya ipinasa ito sa GNTV. Kaya kailangan na rin ng mga bagong programa sa natu­rang istasyon dahil sa padaming commercials na pumapasok.

Anak ni Super Tekla sinugod na naman sa hospital

Hindi napigilang maiyak ni Super Tekla sa nakaraang taping ng The Boobay and Tekla Show noong nakaraang linggo. Isa sa guests nila si Donita Nose at naging topic ang friendship nila.

Malaking leksyon sa komedyante ang nangyari sa kanya nang umabot sa programa ni Raffy Tulfo ang problema nila ng live-in partner niyang si Michelle Lhor-Banaag. Pero nalagpasan niya ito sa tulong ng mga malalapit niyang kaibigan, at isa na rito si Donita Nose.      

Ngayon ay okay na raw sila. Nagkasundo na sina Tekla at Michelle. Hindi na kinuha ni Tekla ang baby nila, at nasa panganga­laga pa rin ito ng dating partner. Hindi raw sila nagkabalikan ni Michelle pero okay na raw sila para sa kanilang anak at tinutulungan pa rin sila ni Tekla.

Noong mismong araw ng taping ng TBATS ay nagkasakit pa ang anak nila at isinugod na naman ito sa hospital. Since nasa taping pa si Tekla, ang manager nitong si Rose Conde ang tumulong sa pagdala sa hospital at sumunod na lang doon ang komedyante pagkatapos ng taping.                                             

Ang dami nga raw doon sa hospital ang kumuha ng video ni Tekla na kausap si Michelle.

Nagka-Pneumonia raw ang bata, at mabuti na lang negatibo na naman daw ito sa COVID-19. Okay na raw ito ngayon at nagpaga­ling pa raw ito sa hospital. 

Sinasabi naman daw ng komedyante na mas gusto na raw niya ang ganitong setup, na ang anak na lang ang ugnayan nila ni Michelle.                

 Natuto na raw siya kaya hindi na raw siya makipagbalikan. Pero sinabi rin ni Donita na nakikita niyang mahal pa rin nito si Michelle, kaya hindi na raw siya magugulat kung sakaling ang ending nito ay magkabalikan din sila.

Direk Joel magkakatrabaho sa 25

Tuluy-tuloy ang pag-produce ng Net 25 ng mga bagong programa. Bukod sa bagong drama serye nilang Ang Daigdig Ko’y Ikaw na magsisimula na sa Sabado, November 28 ng 8 ng gabi, may mga binubuo pa silang drama series. Nakatakdang magdirek si direk Joel Lamangan ng isang drama series na pagbibidahan ng dalawang young stars.

Binanggit naman ng director for sales and marketing ng Eagle Broadcas­ting Corporation na si Caesar Vallejos na mas marami pa silang mga gagawing programang pang-millennials.

Kung napapansin, medyo pang matured audience ang mga nauna nilang programa, pero meron naman daw silang pambata, kaya nga merong Net 25 Kids.

vuukle comment

PIOLO PASCUAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with