^

PSN Showbiz

JLC, ipinasilip ang simpleng kaligayahan sa probinsiya

Jun Nardo - Pilipino Star Ngayon
JLC, ipinasilip ang simpleng kaligayahan sa probinsiya
John Lloyd Cruz

MANILA, Philippines — Kuntentung-kuntento sa simpleng buhay ngayon ang aktor na si John Lloyd Cruz.

Nagpisilip si Lloydie ng simpleng buhay habang umiikot sa El Nido, Palawan.

“Happiness is simplicity. Touring around El Nido,” caption niya sa Facebook ng kanyang selfies.

Sa report sa Twitter account ng gmanetwork.com, nasa Palawan si JLC upang bisitahin ang kanyang property. Plano raw ng aktor na magpatayo ng bahay at negosyo sa probinsiya.

Mula nang talikuran ang showbiz noong 2017, nagkaroon siya ng anak kay Ellen Adarna na pinangalanan nilang Elias Modesto.

Mas pinili ni John Lloyd ang simpleng buhay ngayon kumpara noong kaliwa’t kanan ang trabaho sa TV, pelikula at endorsements ang aktor.

Wala namang pagsisisi sa ginawang pagtalikod sa showbiz ni Lloydie.

Zia, mahilig nang mag-explore

Mas makulit daw ng 1000X ang anak na si Zia kesa kay Ma­rian Rivera noong halos pareho ang edad nila.

Bukod dito,  saad ni Yan sa latest Instagram post, “Napaka-curious pa at #TodoExplorer.”

Kapwa raw sila lumaki sa gatas na pareho nilang ineendorso ngayon, huh!

Hindi naman ito problema ni Marian dahil alam niyang sa gatas na iniinom eh protektado ang kanyang anak!.

vuukle comment

JOHN LLOYD CRUZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with