^

PSN Showbiz

Kyla at Kikx, may pa-throwback sa ‘90s R&B

Pilipino Star Ngayon
Kyla at Kikx, may pa-throwback sa �90s R&B
Kyla at Kikx

Dadalhin ni Queen of R&B Kyla at ng songwriter-producer na si Kiko “KIKX” Salazar ang mga tagapakinig sa tunog ng ‘90s R&B music sa upcoming Star Music single nila na TLC, na mapapakinggan na sa mga music platforms simula bukas (Oktubre 9).

Maririnig sa kanta ang swabeng pagpaparamdam ng pagmamahal at pagpapaabot ng pag-asa para sa mas malalim na relasyon. Malakas din ang R&B vibe nito kaya naman sabi ni KIKX ay dapat lang na ang Queen of R&B ng Pilipinas ang magbigay-buhay sa kanta.

“Wala nang mas nakakapagpa-excite sa ‘kin kaysa makatrabaho ang isang tao na hinahangaan ko na simula pa lang songwriting journey ko,” paliwanag ni KIKX, na inalala kung paano siya nagkukunwaring nagsusulat ng kanta para kay Kyla noong 2008.

“Makalipas ang ilang taon, nagulat ako kasi ni-record niya nga ‘yung ilan sa mga kantang ‘yun tapos the year after, napanalunan ko ang unang Awit Award ko kasama siya,” dagdag niya. “Kaya hindi makukumpleto ang pagse-celebrate ko ng 10 years sa music kung wala ang R&B queen at ngayon ay matalik ko nang kaibigan na si Kyla.”

Inilarawan ni KIKX ang TLC bilang ‘ultimate tribute to the ‘90s era’ dahil sa malaking impluwensiya ng American artist na si Babyface sa kanta, na mala-king inspirasyon niya raw bilang musikero.

Isa rin ang TLC sa mga kanta na kabilang sa After Dark ‘The Final Hour EP ni KIKX para sa selebrasyon ng kanyang ika-10 taon sa industriya. Kasama rin sa proyekto ang Hindi Na Nga ni Sam Mangubat at ang Sa Aking Mundo ni Lance Busa.

vuukle comment

KIKO SALAZAR

KYLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with