^

PSN Showbiz

Caridad, nakakausap pa ng mga kaibigan

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Caridad, nakakausap pa ng mga kaibigan

Nalulungkot ang ilan sa mga taong malapit kay Caridad Sanchez dahil sa nagkaroon ng hidwaan ang dalawa niyang anak.

Ilan sa mga taong napagtanungan ko, nakakausap naman daw nila ang veteran actress pero hindi lang daw alam kung ano talaga ang tunay niyang kalagayan pero habang kausap mo raw siya, tatanungin ka kung sino ka na at kung saan ka.

Pero knowing Tita Caring, mas gusto niyang gawing pribado at nangyayari sa kanya at ayaw niyang gawin pang isyu ang kung anuman ang kalagayan niya ngayon.

Lalo na’t ayaw niyang ma­ging isyu pa ang kung ano man ang hidwaan ng dalawa niyang anak.

Malalim daw ang pinagtatalunan ng magkapatid, kaya sinasabi nga ng ilan na mas mabuting huwag na raw idaan sa social media ang isyu nilang dalawa, alang-alang na lang sa kanilang ina.

Papalit daw kay Alden, umani ng tambak na panlalait

Nakakapagtaka bakit sa halip na ma-excite, panlalait ang reaksyon sa launching kay Kelvin Miranda sa bagong programa ng GMA News and Public Affairs.

Naglabas muna sila ng teaser na kung saan ipinost ng GMA NAPA sa kanilang Facebook account ang litrato ng isang lalaking nakatakip ang upper half ng mukha nito. Ang dami nang nakahula na si Kelvin dahil sa suot niya na ginamit sa cover pictorial ng isang magazine.

“Da who?” raw itong aktor na ipapakilala nilang the next leading man. Bago pa man ini-reveal kung sino nga itong ilulunsad nilang susunod na leading man, at sinasabi pa ng ibang susunod sa mga yapak ni Alden Richards, nahulaan na nilang si Kelvin Miranda ito.

May mga nagsasabing wala raw karapatan na maging leading man ang aktor.

Ilang beses na rin namang nagbida ang aktor. Napapanood na siya sa pelikulang Dead Kids na dinirek ni Mikhail Red sa Netflix.

Nanalo pa nga siyang Best Actor sa 6th Urduja Film Festival para sa indie film na The Fate noong nakaraang taon.

Ang dami na ring mga programa sa GMA 7 na sinalihan niya kagaya ng Magpakailanman.

May anggulo siyang James Reid, kaya si­guro subukan muna natin siyang panoorin bago husgahan.   

Si Kelvin ang bida sa bagong drama series ng GMA News and Public Affairs na The Lost Recipe na ang leading lady ay si Mikee Quintos.

May ilang negatibong komento pa kaming nakikita sa bagong tambalang ito, pero siguro panoorin muna natin kung bagay ba, may chemistry ba o wala.

Paolo, aminadong nag-vlog para kumita

Isa sa kuwelang sinusubaybayan na vlog ay ang kay Paolo Contis, lalo na ‘pag kasama niya ang anak nila ni LJ Reyes na si Summer.

Isa nga si Paolo sa nag-i-enjoy na sa kanyang vlog, pati ang YouTube channel nila ni LJ Reyes na may mahigit 300K subscribers. Kagaya ng ibang artista,ang vlogging na nga ang naging alternative job nila dahil sa mahina pa rin talaga ang trabaho ngayon sa showbiz.

Kaya nag-react si Paolo pati ang ilang kasamahan niya sa The Promise episode ng I Can See You sa komento ng ilang halos lahat na mga artista ay pinasok na rin ang vlogging at pinagkakakitaan ito sa YouTube. Sabi ni Paolo nang nagpu-promote ng episode niya sa I Can See You, “Let’s face it, isa sa way na kumita was vlogging. I think that’s our right to make it happen. Kailangan naming kumita.

“Na, ano naman, somehow at the same time, the people need to see us also. Kasi nga nakikita nila rin kami,” pakli ni Paolo.

“Siyempre, ‘di ba, pag inaalagaan mo yung pandemic, inaalagaan mo rin yung career mo, inaalagaan mo rin na makita ka ng tao, na okay ka… kasi wala ka namang show.

“Ang point ko, kailangan namin, e. It’s not like choice namin siya. Pero for us, ako kasi, ako, nag-vlog din ako. I think lahat tayo,” sabi pa niya gusto lang niyang iparating na may karapatan silang mga artistang mag-vlog.

Maganda ang feedback sa episode nila Paolo sa I Can See You na nagsimula noong Lunes.

vuukle comment

TITA CARING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with