^

PSN Showbiz

ASAP at All-Out Sundays, bubuhayin ang tapatan

YUN NA! - Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon

Sa Sunday ay live uli ang ASAP Natin ‘To. Sunud-sunod na araw rin ang tapings nila para sa iba pang episodes.

May announcement naman ang mga taga-All-Out Sundays na live na sila sa studio on Sunday.

Happy nga si Ken Chan nang i-announce na makikita na rin niya ang mga kasamahan niya sa Sunday noontime show ng GMA 7.

Pero sabi ni Ken, pananatilihin pa rin nila ang social distancing at safety protocols na pinatutupad ngayong new normal na dahil sa COVID-19 pandemic.

Anyway, kaabang-abang ang tapatan sa Sunday ng ASAP Natin ‘To ng Kapamilya Channel at All-Out Sundays ng Kapuso network, huh!

Jed, hindi nagpaapekto  nang tawaging bobo

Speaking of ASAP Natin ‘To, ka-chat ko kahapon si Jed Madela at nabanggit niyang kasama siya sa Sunday sa live show nila, plus sa ­tapings.

Naaliw nga pala ako sa pinost kamakailan ni Jed sa kanyang Facebook account. May basher kasi si Jed na tinawag siyang ‘bobo’ dahil sa post niya na, “When you buy things online... Wanted shelves for my paints and my art supplies...” na maliit na cart ang dineliver sa kanya.

Mini cart nga ang nakuha niya at dahil doon, may isang nam-bash sa kanya, huh! Sabi ni Jed sa post niya na kalakip ng bashing sa kanya, “GUYS!!! Tinawag akong bobo dahil sa post ko na maliit na cart na inorder ko online!!! Hahahahahaha tinakpan ko lang name at pic nya pero di ko dinelete post nya sa thread. Baka ma-hurt eh. Umeffort. Ahhh... sorry naman (with peace sign emoji). Tawang tawa ako! Ewan ko bakit.”

Nagalit ang followers ni Jed sa sinabi ng basher na, “Minsan wag bobo sigurado nakalagay miniature magbasa kasi tpos magpopost ng katangahan.”

Pero mabait pa rin si Jed dahil tinakpan niya ang pangalan ng basher.

So sa chat namin kahapon ni Jed ay tinanong ko siya kung nag-sorry na ba sa kanya ang basher na ‘yon? “Hahaha, nope! Deadma siya. Inaway siya ng mga nag-comment sa post na ‘yon. Ako naman, natawa na lang. Kung nagalit ba ako? Jinoke time ko na nga lang, eh. Dati, affected ako sa mga basher, pero ngayon, hindi ko na pinapansin. Attention lang naman ang gusto ng mga ‘yon, eh!” sabi pa ni Jed.

Alam mo, Ateng Salve, tama naman si Jed. Kadalasan, natutuwa ang mga basher kapag pinapatulan sila ng mga celebrity, dahil gusto lang naman nilang maging center of attention, huh! Feel na feel nila na sikat sila kapag pinatulan ng mga celebrity na bina-bash nila!

Pero para walang stress, deadma na lang dapat katulad ni Jed.

Hehehe… ‘Yun na!

vuukle comment

ASAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with