^

PSN Showbiz

Med-related professions, nakakabilib

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Pag ganito pala na may pandemic, parang ang gusto mong propesyon ay maging doktor o nurse.

Kasi nga parang ang safe safe mo pag mayroon kang alam sa medicine, kaya bongga sina Rocco Nacino at Pancho Magno dahil registered nurse sila.

Saka ‘di ba, ang pogi-poging makita ng mga nakasuot ng puting uniform, para bang kagalang-galang at safe na safe ang feeling mo.

Isa pang cool para sa akin ay ‘yung mga vet med.

Imagine, they can relate sa mga animal tulad ng mga ibon at isda, ‘di ba parang magic?

Anything na ang hina-handle ay life, mapa-human o animals, parang isang trabaho o propesyon na titingalain mo, dahil nakadepende sa kanila ang buhay na hinahawakan at pinagagaling nila.

Sa next life ko, isa akong Korean doctor na asawa ni Jo In-Sung, Salve, request ko iyan kay St. Peter, hah hah. Cool na cool.

Kapalaran ni Clint, marami ang naka-relate

Natuwa naman ako sa naging reaction ng followers ko sa Instagram post ko about  Clint Bondad.

Natuwa ako na nakita na marami pala ang nakakaintindi sa kalagayan niya lalo na sa pinagdaraanan niya.

At natuwa rin naman ako na marami ding kampi kay Catriona Gray.

Well, aaminin ko na ‘yung posting ko at opinyon ko ay kinuha ko sa mga nababasa kong column items, at tanggap ko na dahil doon maaaring naging harsh ako sa aking opinyon tungkol kay Clint.

Pero ang point ko na sana pag naghiwalay, wala na ang mga ganoong eksena. Pag hiwalay na ay maghiwalay na lang, no more looking back at pag-alala sa memories na dapat ay burado na, lalo pa nga sa parte ng lalaki.

Well, buti na lang marami pala ang kampi sa side ni Clint, at marami ding ok naman sa side ni Catriona.

Well and good, sana nga everything ends well.

Tourist spots sa bansa, magbubukas na

Unti-unti na raw ang pagbubukas ng tourist spots natin sabi ni Sec. Berna Romulo-Puyat.

Sana nga raw sa panahon ngayon, ang local o domestic tourists ang ma­kinabang nang husto sa ganda ng bansa natin. Like ‘yung Boracay, Palawan, at iba pa na dati ay mahirap puntahan dahil punung-puno ng foreign tourists ngayon ay puwede na sa locals kaya mas maganda na ngayon sila pumunta.

Pero tanggap din ni Sec. Berna na medyo takot pa sa biyahe ang marami, dahil aside from hindi pa regular ang flights, takot pa rin ang mga ito dahil nga patuloy pa rin ang pagtaas ng bilang ng COVID-19 victims, kaya ang mga local LGU ay maingat pa rin sa pagtanggap ng mga tao na galing sa ibang lugar.

vuukle comment

CLINT BONDAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with