^

PSN Showbiz

DOJ: Nagbanta ng 'rape' sa anak ni Sharon Cuneta tukoy na pati tirahan

James Relativo - Pilipino Star Ngayon
DOJ: Nagbanta ng 'rape' sa anak ni Sharon Cuneta tukoy na pati tirahan
Litrato ni Frankie Pangilinan, anak nina Sharon Cuneta at Sen. Francis "Kiko" Pangilinan, na kilalang advocate laban sa sexual abuse
Mula sa Instagram ni Frankie Pangilinan

MANILA, Philippines — Tiyak na ng Department of Justice (DOJ) at pagkikilanlan at kung saan matatagpuan ang nagbanta ng panggagahasa kay Frankie Pangilinan, ang 19-anyos na anak nina Sharon Cuneta at Sen. Francis "Kiko" Pangilinan, Lunes.

Kaugnay ito ng isinasagawang imbestigasyon ng DOJ at National Bureau of Investigation, matapos magbanta ng rape ng isang "Sonny Alcos" kay Frankie, na nagpasimula ng #HijaAko online movement laban sa sexual violence laban sa kababaihan.

Basahin: Netizen na nagbanta ng rape sa anak ni Sharon, pwedeng makulong ng 12-taon

"The DOJ Office of Cybercrime has ascertained the identity and location of the person of the person who allegedly threatened Frankie Pangilinan," sabi ni Justice Undersecretary Markk Perete sa isang pahayag.

"Should a complaint be filed, law enforcers may apply for a warrant to disclose computer data and a request fpr extradition, of warranted, may be made."

Una nang humingi ng tulong si Sharon kay Justice Secretary Menardo Guevarra noong Linggo kaugnay ng isyu.

Ani Guevarra, dapat munang matiyak ng DOJ kung sino talaga ang nasa likod nito at saan nakatira ang suspek.

Una nang sinabi ng "Mega Star" na gagawon niya ang lahat ng kanyang makakaya upang mahanap ang gumawa ng nasabing bagay sa panganay nilang anak ni Kiko.

“I will find you. You face me, you coward. Tandaan mo kung sino ako. Nanay ni KC, Frankie, Miel at Miguel. You crossed the line,” wika ng singer-actress.

“God help me and the law. God help you when I find you. Hindi kita patatahimikin. Tandaan mo ito: Ako ay anak ni Pablo Cuneta. Mali ang binangga mo.”

Ngayong buwan lang din nang matandaang binweltahan ni Frankie ang tanyag na broadcaster na si Ben Tulfo, matapos sabihin ng huli na dapat "magbalot" ng mga kababaihan para hindi magahasa.

Sabi kasi ni Tulfo, pang-"iimbita" sa rapist ang pagsusuot ng revealing outfits lalo na kung sila ay "sexy."

vuukle comment

DEPARTMENT OF JUSTICE

FRANKIE PANGILINAN

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

SEXUAL HARASSMENT

SHARON CUNETA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with