^

PSN Showbiz

Bossing at Pauleen, gumagawa ng quarantine baby

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Bossing at Pauleen, gumagawa ng quarantine baby
Pauleen, Tali, and Vic
STAR/ File

Simple at kahit naka-quarantine, itinuturing ni Vic Sotto na memorable ang kanyang 66th birthday nung nakaraang Martes.

Hindi rin nagpabaya ang mga taga-Eat Bulaga, may inihanda silang VTR greetings para sa comedian/TV host at nag-Zoom meeting sila sa Facebook account ng Eat Bulaga.

Bago mag-alas dose ng tanghali ay nag-host sina Jose Manalo, Wally Bayola at Paolo Ballesteros sa kanilang FB live at tinawag nila si Bossing Vic kasama si Pauleen Luna.

Ang saya ng huntahan na as usual, nandiyan pa rin ang pangangantiyaw ni Bossing Vic sa kanilang tatlo.

Unang  pumasok para bumati at nagbigay ng birthday wish ay si Ryza Mae Dizon. Sumunod ang mag-asawang Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos.

Todo kantiyaw pa ni Bossing Vic si Juday na baka magpadala pa raw ito ng adobo, huwag na raw itong mag-abala.

May celebration din ang mag-asawang Ryan at Juday dahil nasa 11th year na sila ng kanilang pagsasama bilang mag-asawa.

Tuluy-tuloy na ang pagbati ng mga EB Dabarkads na sina Baste, Maine Mendoza, Alden Richards, Allan K, Jimmy Santos, Rudy Robdriguez at Joey de Leon.

Nagpasiklab pa si Tito Joey ng jingle ng Eat Bulaga na iniba niya ang lyrics na swak sa Enhanced Community Quarantine.

Natuwa si Bossing Vic sa birthday wish ni Alden na sana masundan na raw si Talitha. Sana nga, para quarantine baby,” sagot niya kay Alden na Richard ang tawag niya.

Pagkatapos ng EB Dabarkads, bumati na rin at nagbigay ng birthday wish ang mga anak ni Bossing Vic. Kasama ni Danica ang asawa niyang si Marc Pingris at ang dalawa nilang anak.

Si Paulina naman ay kasama ang asawang si Jed at Ingleserang nagbigay ng mensahe sa kanyang ama. Si Jose ang napagdisiktahan   ni Vic na tinanong kung naintindihan ba niya ang mga sinabi ni Paulina.

Hindi ko nga binabati yan pag nasa studio,” pabirong sagot naman ni Jose.

Touching ang mensahe ni Mayor Vico sa kanyang ama na nahihiya sana siyang magbigay dahil live daw na napapanood sa Facebook. Sabi lang niya; Maraming maraming salamat sa lahat. Alam mo naman, since bata ako, you always make time for me. Kami lahat na magkakapatid, kahit na busy ka, kahit hindi tayo sa isang bahay nakatira, talagang grabe ang effort mo.

Kahit sa school….kahit sa play, kahit wala akong linya sa play, nanonood ka pa rin, kaya maraming salamat.”

Kinumusta ni Bossing Vic ang pamamalakad ni Mayor Vico sa Pasig at sinasabi niyang sobrang proud siya sa performance ng kanyang anak. Pinapag-ingat niya ito dahil lagi itong nasa labas at naka-expose sa maraming tao.

Hindi rin nakaligtas si Mayor Vico sa biro ng ama niya tungkol sa sumingit na litrato ng hubad na lalaki sa isang teleconference. Sabi ni Bossing Vic; Wala bang nakahubad diyan? Walang bold?” Natakot na nga raw si Mayor Vico nang sinabi sa kanyang mag-zoom meeting sila para batiin ito sa kanyang kaarawan. Sabi ko, sigurado ba kayong gusto niyong mag-Zoom. Maraming hacking daw ngayon,” pahayag ng Pasig City Mayor. Safe dito. Safe,” sagot naman ng kanyang ama.

EB tutulong sa mga dabarkad na nawalan ng hanap-buhay

Doon na rin sa kanilang FB live ay in-announce ni Vic ang bago nilang campaign para makatulong sa mga mahihirap na patuloy na sumusuporta sa Eat Bulaga.

Ginagawa naman niya ito kapag nagbi-birthday siya kagaya ng Lapis at Papel na kung saan nagbibigay sila ng tulong sa mga mag-aaral.

Pero ngayong matindi itong pinagdaanan natin dahil sa COVID-19, gusto raw sana niyang tulungan ang mga maliliit na negosyante para makabalik sila sa pagtitinda pagkatapos nitong pandemic na ito.

Tinawag niya itong Kabuhayan ni Juan.

Pagkatapos daw na-replay nung nakaraang Sabado, April 25 ang 25th anniversary celebration ng Eat Bulaga, ang dami raw na nag-request kung paano sila makakuha ng kopya ng espesyal na celebration na iyun na ginanap sa Clark, Pampanga.

Kaya may kopya kami ng DVD nun na ibebenta ng Eat Bulaga para collector’s item nyo eh,” pakli ni Bossing Vic.

Ang malilikom daw sa pagbebenta ng DVD copy ng 25th anniversary celebration ay gagamitin daw nilang tulong na ibibigay sa mga taong may maliit na negosyo na naapektuhan ng ECQ.

Malaking bagay sa kanila yun. Katulad ng mga naglalako ng fishball, mga naglalako ng buko, mga magbabalot or yung mga may tricycle o sari-sari store, o yung mga business na natigil dahil sa quarantine.

Hindi naman sila napabayaan ng ating gobyerno, dahil meron naman silang ayuda. Pero siyempre yung iniisip natin pagkatapos ng quarantine, eh papano na sila.

Paano sila magsisimula uli? Iyun ang gustong tulungan ng Eat Bulaga. Iyun po sana ang aking hihilingin.

Iyung mapipili nating mga small business, ating tatawagin…basta iyung

mga maliit na business na natigil at gusto magsimula uli, iyun ang gustong tutulungan ng Eat Bulaga.”

Puwede raw mag-message o i-check sa FB page ng Eat Bulaga o di kaya mag-email sa [email protected].

vuukle comment

EAT BULAGA

PAULEEN LUNA

VIC SOTTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with