^

PSN Showbiz

Lorna Tolentino, tinupad ang pangako noong bata

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Philstar.com
Lorna Tolentino, tinupad ang pangako noong bata
Lorna

Kamakailan ay naging kontrobersyal ang Instagram post ni Robin Padilla tungkol kay Coco Martin at sa ginagawa nito sa crew ng teleserye.

Tinukoy ni Binoe na binubuhusan diumano ng tubig ng Bida ng FPJ’s Ang Probinsyano ang mga crew kapag nakakatulog ang mga ito sa trabaho.

Nagbigay ng reaksyon si Lorna Tolentino na kasamahan din ni Coco sa naturang serye tungkol sa isyu. “Lahat naman ng mga away-away ng artista sa showbiz later on nagkakaroon din ng pagbabati. Kasi iisa lang ang linya ng pagtatrabaho ninyo. So magkakaintindihan din ‘yan. Sa ngayon siguro hindi pa sila nagkakausap pero magkakaintindihan sila eventually,” makahulugang pahayag ni Lorna.

Kung sakaling nabubuhay pa ngayon ang asawang si Rudy Fernandez ay posibleng ang aktor ang mamamagitan upang maayos ang gusot sa pagitan nina Robin at Coco. “Si Daboy ang peacemaker eh, siya ‘yon. Sana me­rong tao na pwedeng puma­gitna sa kanila para bumukas ‘yung isip nila at magkaintindihan. But that’s not me, ha-ha-ha,” natatawang pahayag ng aktres.

Mahigit isang dekada na ang nakalilipas nang yumao si Daboy at nanatili pa ring walang bagong karelasyon si Lorna. Ayon sa beteranang aktres ay masaya na siya sa buhay na mag-isa lamang. “Matanda na kasi ako eh. Siguro gano’n talaga ‘yung love story namin ni Daboy. Kumbaga, nag-umpisa niya akong magustuhan bata pa ako, pinangako niyang papakasalan niya ako. Ten years ‘yung difference namin. So kung ano man, sabi ko tinupad ko lang ‘yung pangako ko sa kanya. No’ng fourteen pa lang ako crush ko na si Daboy. So siguro hindi pwede ‘yung basta nakilala mo lang. Dapat ‘yung matagal mo nang kilala para masabi mo talaga na kahit ano pang mangyari eh siya lang talaga,” kwento ni LT.

Hindi rin umano sang-ayon ang dalawang anak nina Lorna at Rudy na sina Renz at Rap na muling magkaroon ng bagong asawa ang prem­yadong aktres. “Kasi sinabi rin ng mga anak ko na parang ‘wag na raw eh. Lalo na no’ng time na medyo bata-bata pa, wala pa akong 50’s, fourty six lang ako no’n. Ngayon na fifty eight na ako, malapit na ako mag-senior. Hindi na ‘yon ang prio­rity ko talaga. Lalong na-lessen habang tumatanda ako,” paliwanag niya. 

Ogie, hindi natuloy ang regalong washing machine

Masayang-masaya si Ogie Alcasid para sa pagpapakasal nina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli na naganap noong February 20.

Malapit na kaibigan ng mag-asawang Ogie at Regine Velasquez sina Sarah at Matteo. “We’re very happy for her. And it was very obvious na she was happy herself. She was so radiant that day. Kumbaga kulang ‘yung words and you could tell. Everybody that passes by her, they would say, ‘We’re happy for you. You deserve it.’ And I think it was just fitting na you know, we gave her a tribute (sa ASAP Natin ‘To). I think she really wants to downplay all these things because she’s a very private person. But nevertheless, she allowed us to greet her and celebrate with her. It was really moving. And at the same time, celebratory,” nakangi­ting pahayag ni Ogie.

Noong Linggo ay nabanggit ng Singer-Songwriter sa ASAP Natin ‘To na reregaluhan niya ng washing machine sina Sarah at Matteo.

Ngayon ay hindi na raw matutuloy ang pagbibigay ng washing machine ni Ogie dahil mayroon na nito ang mag-asawa. “Tinanong ko siya meron na daw siya. Sabi ko wala ba talaga kayong washing machine? Sabi niya, ‘Meron na po kami.’ Apparently, it was already provided for where they will live. Meron nang washing machine,” kwento niya. (Reports from JCC)

vuukle comment

LORNA TOLENTINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with