^

PSN Showbiz

Myrtle ayaw pang magsalita sa pagiging kapuso

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Myrtle ayaw pang magsalita sa pagiging kapuso

Ayaw magbigay ng exact details ni Myrtle Sarrosa sa paglipat niya sa GMA 7.

Wala pa raw siyang puwedeng sabihin kung Kapuso na nga siya o Kapamilya pa. Pero kung sakali, gusto niyang makatrabaho si Alden Richards na tulad niya ay gamer din.

Pero inulit niyang magkakaroon ng formal announcement tungkol dito next week.

Naka-chika namin kahapon si Myrtle sa blessing ng MegaOne Building na pag-aari ni Ms. Aileen Choi-Go ng Megasoft  Hygienic Products Inc. na isa sa mga endorser / ambassador si Myrtle.

Basta ayon kay Myrtle, this 2020 mas magiging active ang career niya na last year ay nag-concentrate siya sa mga endorsement at nag-ikot sa mga school all over the Philippines para sa campaign nila ng Sisters’ School is Cool. So far naka-85th school na sila na ayon kay Ms. Aileen ay hindi lang naman sila basta nagpo-promote sa mga pinupuntahan nila kundi tumutulong talagang magturo ng proper hygiene, pre-marital sex etc. “Kasi kami ang approach namin sa mga kabataan, in a matter na madaling mag-sink in sa kanila,” chika ni Ms. Ai.

Nakakatawa nga na nang pumutok ang bulkang Taal, pati Sisters napkin ginawang face mask.

Anyway, aside from Myrtle, present din ang blessing ng MegaOne along España (dating PLDT building) sina Ryle Santiago and Young JV. Present din si ACT-CIS Partylist Rep. Nina Taduran.

Like Myrtle, matagal na ring Megasoft Hygienic Products ambassadors sina Ryle and Young JV.

Isang commercial building ang MegaOne at doon na sila mag-office.

For 2020, marami rin silang ila-launch na pro­ducts at may mga kukunin din silang new endorsers pero ayaw niya pang pangalanan.

vuukle comment

MYRTLE SARROSA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with