Korean movie, tinaob ang mga bigating Hollywood films sa Oscars
Wow, gumawa ng history ang Korean film na Parasite nang manalo itong Best Picture sa ginanap na Academy Awards kahapon. Ito ang kauna-unahang non-English speaking movie na nanalo ng pinaka-prestigious award sa Oscars.
Tinaob ng Parasite ang mga bigating Hollywood film na Ford v Ferrari, Jojo Rabbit, The Irishman, Joker, Little Women, Marriage Story and Once Upon a Time in Hollywood and 1917.
Ang Parasite din ang nanalo ng Best International Feature Film, Best Director for Bong Joon-Ho and Best Screenplay.
Tinalo ni Bong Joon-Ho sa Best Director category sina Martin Scorsese (The Irishman)
Quentin Tarantino (Once Upon a Time…in Hollywood), Sam Mendes (1917) and Todd Phillips (Joker).
Kaya naman nagbubunyi ang mga Asyano sa pagkapanalo ng Korean dark comedy movie.
Ito na kaya ang umpisa para talagang mapansin ang Asian films sa mas malawak na market?
Ang Taiwanese director na si Ang Lee ang naunang Asian na nanalo ng best director sa Oscars.
Anyway, si Renée Zellweger for the movie Judy ang nanalong best actress at Joaquin Phoenix for Joker ang best actor.
Siyempre, pangarap pa rin sa maraming Pinoy ang manalo sa Oscars ang ating pelikula.
Bukod sa pelikula, kinababaliwan na rin ang mga Korean TV drama at K pop music.
- Latest