^

PSN Showbiz

Malaswang biro ni Joey de Leon 'di nasakyan ng ilang 'Eat Bulaga!' viewers

James Relativo - Philstar.com
Malaswang biro ni Joey de Leon 'di nasakyan ng ilang 'Eat Bulaga!' viewers
Napuna kasi ng mga manunuod ang sinabi ni Joey sa babaeng flight attendant na kalahok sa isang segment, Martes: "Sana masakyan kita balang araw," sabi niya. 
Mula sa Instagram account ni Joey de Leon

MANILA, Philippines — Imbis na tawa, inis ang iginanti ng ilang manunuod sa komedyanteng si Joey de Leon matapos muling magpakawala ng kontrobersyal na pananalita sa sikat na noontime show ng GMA-7.

Napuna kasi ng mga manunuod ang sinabi ni Joey sa babaeng flight attendant na kalahok sa isang segment, Martes: "Sana masakyan kita balang araw," sabi niya. 

Na-off din ang ilang netizens nang tanungin niya ang "Eat Bulaga!" contestant kung ilang beses na siyang nakagat ng mga lalaki.

Sinambit ni De Leon ang mga kataga sa "Bawal Ang Judgemental" na bahagi ng kanilang palatuntunan.

'Di tuloy naiwasan ng mga tao na magtungo sa social media para irehistro ang kanilang disgusto.

Dahil sa pagbuhos ng mga komento sa kanyang sinabi, numero unong trending si Joey sa Twitter habang sinusulat ang balitang ito.

Wala pa naman siyang inilalabas na public statement hinggil sa mga natatanggap na reaksyon mula sa kanyang mga social media accounts.

Hindi ito ang unang beses na nadawit ang aktor sa batikos dahil sa mga diumano'y eskandaloso't kwestyonableng mga pahayag on-air.

Taong 2004 nang patawan ng dalawang buwang suspensyon ng MTRCB si Joey matapos daw banggitin ang isang malaswang salita sa isang baklang contestant sa telebisyon.

Taong 2018 naman nang tanungin niya ang isang dating guest relations officers (GRO) mula Olongapo kung may naging "guest" na siya mula sa kanilang show.

Matagal na ring idinadawit ang host sa kaso ng panghahalay sa dating sexy star na si Pepsi Paloma, bagay na kanila namang itinatanggi.

vuukle comment

EAT BULAGA!

JOEY DE LEON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with