^

PSN Showbiz

Lihim muna Aktres kasado na ang TV series sa Amerika!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

Hindi pa na-finalize lahat, pero may isang kilalang female celebrity na inaayos ang gagawing TV series sa Amerika.

Maganda, sexy, magaling din umarte at kilala siya sa buong mundo, kaya nagkainteres ang isang malaking TV network sa Amerika na isama siya sa bagong project na ito.

May binanggit na sa akin kung sinong Hollywood actor ang gaganap na ama niya. Pero ipinakiusap na huwag daw munang isulat kung sino ito.

Excited daw si female celebrity sa proyektong ito dahil mapi-penetrate na rin niya ang Hollywood.

Next year pa raw natin malalaman ang tungkol dito kapag naplantsa na at sure na sure na ang lahat na detalye.

GGV nakakaya ng powers ni Tekla

Consistent na malakas ang The Boobay and Tekla Show na hindi matalo-talo ng katapat na Gandang Gabi Vice base sa survey ng AGB.

Nung nakaraang Linggo na kung saan halos magkapareho sila ng format at line-up ng guest -mga bading na magagaling kumanta at ang ilan ay produkto ng Idol Philippines ang guests ni Vice Ganda, at ang sa TBATS naman ay mga bading din na pinaglaban nila sa Ms. Undas 2019.

Iyun lang talaga ang programa ng GMA 7 na consistent na mataas ang rating.

Pero ang ilang programa ng Kapuso network ay lumalaban pa rin sa matataas na programa ng Kapamilya network.

Kagaya nung nakaraang Sabado, mataas ang Kuha Mo ni Ka Tunying Taberna na may 8.7 percent at 7.3 percent ang 24 Oras.

Nag-tie naman sa 9.4 percent ang Pepito Manaloto at ang TV Patrol.

Ang The Clash naman na patindi nang patindi ang round every episode, nakakuha ito ng 8.4 percent at Home Sweetie Home na 10.4 percent at 12.2 percent ang The Voice Kids vs. Daddy’s Gurl na 8 percent.

Samantala, ang laki nang itinaas ng The Clash nung nakaraang Linggo na may 11.1 percent. Kaya konti na lang ang inilamang ng The Voice Kids na may 12.9 percent.

Very positive naman ang mga taga-The Clash na matataas pa nila ito at ma-capture na ang mga audience na mahihilig sa singing contests.

Julie Anne ayaw muna sa teleserye

Isa sa natutuwa sa magandang development sa The Clash ay ang host na si Julie Anne San Jose.

Dun na raw niya na-enjoy nang husto ang hosting dahil dati naman ay ilang segment lang sa Sunday Pinasaya ang pinapa-host sa kanya.

More on performer daw siya, at dito lang sa The Clash siya nakapag-todo ng hosting.

“It feels different kapag naghu-host.

“Ini-enjoy ko siya,” pakli niya na sinundan din niya  ng pahayag na ang bilis daw niyang nakapag-adjust sa co-host niyang si Rayver Cruz.

“Nakakatulong yun na-workshop kay direk Floy (Quintos).

“Tinulungan kami ni direk Floy…na kapag may banter kami ni Rayver na halimbawa may instance na kailangang mag-usap kami, it’s really important that we listen to each other and that’s one of the things na habang tumatagal mas nasasanay na kami, na alam na namin kung ano ang gagawin,” pahayag ni Julie Anne nang nakatsikahan namin sa taping ng The Clash.

Isa nga sa ikinatuwa ni Julie Anne ay nang nalaman niyang happy ang ate Regine Velasquez niya na siya na ang naghu-host ng The Clash.

“Nakaka-miss nga si ate (Regine) sobra.

“Nung last time nga nagka-text kami…that was during her concert with Sharon.

“Nagkumustahan kami.

“Kinumusta niya ako sa The Clash ganyan.

“Nakakatuwa lang talaga kasi it doesn’t matter kung nasaang landas kami di ba? It’s important na nandun pa rin..and I always look up to her.

“Nandiyan ang respect ko sa kanya,” saad ni Julie Anne.

Mukhang malabo raw siyang makapag-soap muna ngayon dahil nai-enjoy niya ang pagho-host, at gusto raw muna niyang mag-focus sa pagkanta.

Sa ngayon ay tinatapos niya ang album na marami siyang kantang may ka-collaboration.

Isa nga raw sa na-record niya ay ka-collab niya si Rico Blanco at gustung-gusto raw niya ang kinanta nilang dalawa.

Ginawa raw munang single, pero isasama rin daw ito sa album niya.

vuukle comment

JULIE ANNE SAN JOSE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with