^

PSN Showbiz

Bagong Kimerald, nagkailangan sa bed scene

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Sa September 25 ay mapapanood na sa mga sinehan ang pelikulang #Jo­wable na pinagbibidahan ni Kim Molina. Kasama ng aktres sa nasabing proyekto mula sa Viva Films ang kasintahan sa totoong buhay na si Jerald Napoles.

May biru-biruan na ang dalawa na ang bagong Kim-erald ngayon. Nagkailangan daw sina Kim at Jerald nang gawin ang kanilang bed scenes sa pelikula. “Kim-erald 2, yes po. Ang awkward po kasi tito Boy. Hindi ko alam kung bakit pero nahirapan po ako. Pero ang ginawa po namin ni Je, ‘Magdamit na ako baby ah,’” natatawang kwento ni Kim.

Matatandaang sumikat ang theater turned movie and TV actress sa digital film na Momol Nights kung saan ay si Kit Thompson naman ang nakatambal niya.

Ayon kay Kim ay talagang dapat pakaabangan ng mga manonood ang kanyang bagong pelikula dahil sadyang nakakatawa at may aral na mapupulot dito. “Tungkol po siya sa story ni Elsa. May viral video po siya tito Boy, parang mga three-part series na po siya, hanggang naging movie na po siya. Kumbaga, ‘yung mga pinagdaanan ni Elsa kung bakit marami siyang angst sa life niya. Kung bakit rant siya nang rant doon sa viral video, it’s basically the journey that she went through,” pagbabahagi ni Kim.

Kasama rin sa bagong pelikula sina Kakai Bautista, Cai Cortez, Chad Kinis at Candy Pangilinan.

Yam hindi pamalit kay Erich ang turing sa sarili

Malapit nang mapanood sa ABS-CBN ang teleseryeng Love Thy Woman na pinagbibidahan nina Kim Chiu at Xian Lim.

Kabilang din sa bagong proyektong ito si Yam Concepcion na talagang sumikat dahil sa kanyang karakter sa Halik bilang si Jade. Para kay Yam ay ibang-iba naman ang kanyang karakter sa bagong serye bilang si Dana Wong. “Ibang-iba siya kay Jade, very different. Mayaman na ako rito. Pero we will see kasi I’m still getting to know the character. So dapat nilang abangan. Pero sobrang bratty-bratty niya, maiinis na naman kayo sa akin,” nakangiting pahayag ni Yam.

Hindi raw naging problema sa aktres kahit na pinalitan lamang niya si Erich Gonzales para sa serye.

Matatandaang sina Kim, Xian at Erich ang unang napabalita noong magbibida sa bagong soap opera. “Technically parang ang dating, ako ang second choice. Pero I don’t think so because she was the one who backed out naman sa show. And ako ‘yung unang choice to portray the role. So wala naman ‘yon, okay lang ‘yon. At least may work,” paliwanag ng sexy actress.

(Reports from JCC)

vuukle comment

KIM MOLINA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with