^

PSN Showbiz

Super tekla at kim may tapatan

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN: Para kay Kim Molina, si Jerald Napoles ang most intelligent comedian dahil sa rami ng mga natututunan niya mula sa kanyang boyfriend. Si Jerald ang love interest ni Kim sa launching movie nito, ang Jowable ng Viva Films na may playdate sa September 25, 2019.

SCENE: Marami ang nagugulat dahil nakapasa sa MTRCB ang mga brutal na dialogue ni Kim Molina sa full-trailer ng Jo­wable na Rated PG.

SEEN: Lasenggera ang role ni Kim Molina sa pelikula kaya justified ang kanyang mga brutal na pananalita. “Balahura ang trailer ng Jowable” ang opinyon ni Super Tekla, ang komedyante na may launching movie na rin, ang Kiko En Lala. Hindi nagustuhan ni Super Tekla ang trailer ng Jowable na napanood niya.

SEEN: Super Tekla vs Kim Molina ang labanan sa September 25 dahil magkasabay ang playdate ng launching movie ng dalawa. Si Super Tekla ang bida sa Kiko En Lala. Co-stars naman ni Kim sa Jowable sina Jerald, Candy Pangilinan, Cai Cortez at Chad Kinis. May special participation naman sa Kiko En Lala sina AiAi delas Alas, Kim Domingo at Derrick Monasterio.

SCENE: Ipinagmamalaki ng mga magulang ni Kim Molina ang launching movie ng kanilang anak. Saudi Arabia-based ang mga magulang ni Kim na nanghihinayang dahil hindi nila ma-share sa social media ang pinag-uusapan na trailer ng pelikula ng anak.

SCENE: Nag-taping na sina Kylie Verzosa at Maxine Medina para sa Los Bastardos noong Huwebes, isang araw matapos pumutok ang balita na dinuraan ni Kylie si Maxine sa kanilang confrontation scene. Nadala lamang daw si Kylie sa eksena ang dahilan na ibinigay ng isang insider.

 

vuukle comment

TAPATAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with